Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
-18 barangay sa Candaba, lubog sa baha

-U.S. Pres. Trump: 19% ang taripang ipapataw ng Amerika sa Pilipinas; walang ipapataw sa amerika para sa mga produktong i-i-import sa Pilipinas

-Binatilyo, nalunod sa sapa sa Brgy. Tagbac/Lalaki, pinaghahanap matapos tangayin sa ilog/20-anyos na lalaki, nalunod sa dagat

-Dingdong Dantes na ambassador para sa Nat'l Disaster Resilience Month 2025, tampok sa ilang importanteng paalala ngayong masama ang panahon

-Ilang dam, nagpakawala ng tubig dahil sa epekto ng masamang panahon

-Iloilo CDRRMO: 52 barangay ang binaha sa lungsod; ilang residente, bumalik sa evacuation centers

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Sa mga kuakaw kahapon, nagmistulan ng dagat ang lawak ng bahas sa Kandaba, Pampanga.
00:0618 barangay sa bayan ng lubog ngayon sa Baha.
00:09Ang kasada nga nagdudugtong sa Kandaba at sa San Miguel, Bulacan na putol at hindi na madaanan.
00:14Banka na ang ginagamit na transportasyon sa ilang lugar.
00:18Sa barangay sa Nagustin, sanay na raw sa Baha ang ilang residente.
00:21Ayon sa LDRRMO, catch basin kasi ang Kandaba ng tubig mula sa mga karatig probinsya.
00:27Sa ibang balita, nagkausap na sa White House sa Amerika si na Pangulong Bongbong Marcos at US President Donald Trump.
00:36At may ulat on the spot si Sandra Aguinaldo live mula sa Washington D.C.
00:40Sandra?
00:45Yes, Rafi, magandang tanghali sa inyo dyan.
00:47At dito naman po ay 11.31pm na.
00:51At kanina pong 4.42pm ay umalis na po dito.
00:57Si Pangulong Bongbong Marcos pabalik dyan sa Pilipinas.
01:00Ibig sabihin po, 4.42am dyan sa inyo nung siya umalis dito.
01:05Pabalik na po sa Maynila.
01:07At tinawag nga po niya na achievement o tagumpay yung naging resulta ng kanilang pag-uusap
01:14ni President Donald Trump ng Amerika kung saan na pagkasundoan na mula 20% tariff ay magiging 19% yung taripa doon sa mga produkto ng Pilipinas na papasok dito sa Amerika.
01:28Narito po ang aking mainit na balita.
01:30Pagdating ni Pangulong Bongbong Marcos sa White House,
01:38sinalubong siya mismo ni U.S. President Donald Trump.
01:41Dito natanong si Trump kung ano ang mensahe niya sa Pilipinas.
01:45Sir, your message to the people of the Philippines.
01:48You love them.
01:49You think you'll get a deal done today, sir?
01:51I think we will.
01:53Matapos nito, nag-meeting na ang mga leader ng Pilipinas at Amerika sa Oval Office,
01:58kasama ang ilang matataas na opisyal ng dalawang bansa.
02:01Matapos ang pulong, agad na nag-post si Trump sa kanyang social media na Truth Social
02:07at sinabing 19% na lang ang tariff ng Pilipinas imbes na 20%.
02:12Pero dagdag niya, mag-o-open market ang Pilipinas
02:16at zero o walang taripan ang Amerika sa mga produktong papasok sa Pilipinas.
02:22Kinumpirma naman ni Marcos ang sinabi ni Trump sabay paglilinaw
02:26na hindi naman sa lahat ng produkto kundi sa ilang sektor lamang mula sa Amerika.
02:31There were certain markets that they were asked to be open
02:36that are presently and right now are not open.
02:40The one of the major areas that they said were automobiles.
02:44Because we have a tariff on American automobiles, we will open that market.
02:50Lalakihan din daw ng Pilipinas ang pag-i-import ng ilang produkto mula sa Amerika.
02:55The other side of that is an increased importation from the United States
02:59for soy products, wheat products, and pharma, actually, medicines
03:10para makamura naman yung maging mas mura yung gamot natin.
03:14Tanong sa Pangulo, hindi kaya lugi ang Pilipinas dito?
03:17That's how negotiations go.
03:20Why it came up from 17 to 20 is an internal matter with the United States government.
03:27Ang pagbaba ng taripa para sa produkto ng Pilipinas na pumapasok sa Amerika,
03:32tinawag na achievement ni Marcos.
03:35We managed to bring down the 20% tariff rate for the Philippines to 19.
03:41Now, 1% might seem like a very small concession.
03:45However, when you put it in real terms, it is a significant achievement.
03:55Si Trump naman, tinawag na beautiful visit ang pagpunta ni Marcos sa White House.
04:00Mataasan niya ang respeto kay Marcos sa Amerika.
04:03Tinawag pa niya itong very good and tough negotiator.
04:07So I just want to say it's an honor to have you.
04:11We're going to talk about trade today and we're very close to finishing a trade deal.
04:16Big trade deal actually.
04:18And we do a lot of business with you.
04:19It's a lot of income coming in for both groups.
04:24Natalakay rin sa meeting ang defense and security issues ng dalawang bansa.
04:29Do you think that message is going to happen?
04:36Rafi, at dun sa briefing kanina sa media ni President Marcos,
04:43ay nagbigay pa siya na ilang updates doon sa baha sa iba't ibang panig ng Pilipinas na nangyari.
04:49At siya nga daw ay nakatutok dyan.
04:51Habang siya ay naririto at sinabi nga niya, kasama na rin itong si Defense Secretary Gibot Teodoro
04:58na gagamitin yung ilang EDCA sites para doon sa relief operations na gagawin sa iba't ibang lugar.
05:05Partikular, nabanggit po ni Secretary Teodoro na meron ng nakapreposition na goods
05:12ang Pilipinas at maging ang Amerika.
05:15At ang mainly daw gagamitin talaga at maitutulong na Amerika
05:19ay yung kanilang mga kagamitan para ma-transport yung goods na ito
05:24gaya halimbawa ng mga helicopter at iba pang sasakyan.
05:28So yan muna po ang pinakahuling ulat mula dito sa Washington D.C.
05:32Rafi?
05:33Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
05:37Ito ang GMA Regional TV News.
05:41Sa gitna ng masamang panahon, sa mga nagdaang araw,
05:45tatlo ang nalunod sa magkakahiwalay na insidente sa Iloilo at sa Misamis Oriental.
05:51Cecil, ano nangyari sa kanila?
05:56Rafi, sa Haru District, Iloilo City, isang binatilyo ang nalunod sa sapa sa barangay Tagbak.
06:02Kita pa na masayang naliligo ang 13-anyos na lalaki kasama ang kanyang mga kaibigan noong linggo.
06:08Nagpaiwan ang binatilyo, pero gabi na ay hindi pa rin daw umuuwi.
06:13Martes na nang natagmuan ang kanyang bangkay na may sugat sa ulo.
06:17Iniimbestigahan na ang insidente.
06:20Sa Molo District naman, hinahanap pa rin ng isang lalaking nalunod sa ilog sa barangay Boulevard.
06:25Nangunguha raw ng mga shell noon ang 25-anyos na lalaki ng tangayin ng tubig.
06:31Kasama niya noon ang isang pinsan na hindi rin pala marunong lumangoy.
06:35Sa dagat naman nalunod ang isang lalaking 20-anyos sa Villanueva, Misami, Suriental.
06:41Dumayo pa raw mula bukid noon ang lalaki at kanyang mga kasama, kaya nakiusap sa pamunuan ng resort kung pwedeng mag-overnight.
06:48Nahawakan pa raw ng lifeguard ang lalaki, pero hindi na kinaya panghilahin dahil sa laki ng mga alon.
06:55Natagpuan na lang na palutang-lutang ang bangkay ng lalaki.
06:58Maulang Merkoles mga mari at pare, tampok si Ding Dongdante sa ilang importanteng paalala ngayong masama ang panahon.
07:12Sa pag may red warning naman, nako, eto na.
07:15Panigurado ng babahain ang mga mapapapang lugar at magkakaroon ng landslide, kaya pinapayuhan ang mag-evacuate ang mga tao.
07:24Ang video na yan ay tungkol sa iba't ibang rainfall warnings na inilalabas ng pag-asa, pati na rin kung kailan dapat mag-evacuate.
07:33Ang role na ito, bahagi ng tungkulin ni Ding Dong bilang ambasador para sa National Disaster Resilience Month 2025.
07:41Inilabas din ang paalala para sa ligtas na pagpunta sa evacuation centers sa gitna ng baha.
07:47Aba, mag-ingat sa mga manhole sa kalsada!
07:54Mga kapuso, nagpapakawala pa rin ng tubig ang tatong reservoir sa Luzon.
08:00Bumaba na sa 750.7 meters ang tubig Sambuklao Dam sa bukod Benguet pero tatlong gate pa rin ang nakabukas as of 8 a.m.
08:09Tumaas naman sa 547.01 meters ang water level sa Binga Dam sa Itogon, Benguet.
08:15Dalawang gate na lang ang nagpapakawala.
08:17Samantala isang gate pa rin ang nakabukas sa Ipa Reservoir sa Norzagaray, Bulacan.
08:22Bumaba rin ang antas ng tubig sa Kaliraya, pati na sa Lamesa Dam na hindi na umaapaw.
08:29Tumaas naman ang tubig sa Anggat, Sandroque, Pantabangan at Magat Dams.
08:33Ito ang GMA Regional TV News.
08:42Kumustahin naman natin ang sitwasyon ngayon sa Iloilo City.
08:46May ulat on the spot si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
08:50Kim?
08:50Cecil, matapos humupa ang tubig baha sa maraming lugar sa Iloilo City kahapon,
09:01muli na namang nagmistulang dagat ang ilang lugar dito sa lungsod ngayong araw.
09:08Gutter deep ang baha sa ilang lugar at kalsada sa Iloilo City.
09:12Kagaya na lang ng sitwasyon sa Lapas Plaza kung saan naging pahirapan ang pagtawid ng mga motorista.
09:17Ito ang resulta ng pagbuhos na malakas na ulan mula kanilang madaling araw.
09:22May ilang negosante naman na kahit pinasok na ng tubig baha ang kanilang establishmento ay nagbukas pa rin.
09:29Ang kanilang dahilan, kinakailangan talaga para sa kanilang pang-araw-araw na gustusin.
09:34Sa datos ng Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Office,
09:38nasa 52 na barangay sa lungsod ng Iloilo ang binaha.
09:42Dagdag pa ng Iloilo City DRMO kahapon ay halos nakabalik na
09:46ang lahat ng mga nagsilikas na residenteng apektado ni Bagyong Crising sa kanilang mga bahay.
09:52Ngunit dahil sa muling pagbuhos ng ulan, dala ng habagat na pinalakas naman ni Bagyong Dante,
09:57may ilang bumalik sa evacuation centers.
10:00Bineberika pa o binibiripika pa ng Iloilo City DRMO ang bilang ng mga nagsilikas na residente.
10:07Pinapayuhan naman ang mga barangay ofisyal at mga residente na magpatupad
10:11ng pre-emptive evacuation kung sakaling tumaas ang level ng tubig sa kanilang lugar.
10:17Cecil, ayon sa pag-asa, maaaring maging tropical storm ang Bagyong Dante
10:24pagdating bukas o sa Biernes.
10:27Kaya pinapanatiling handa ang mga residente.
10:30Cecil?
10:31Maraming salamat, Kim Salinas!

Recommended