00:00Patuloy ang investigasyon ng Justice Department kaugnay sa diumanoy pagkakaroon ng tatlong passport ni Atty. Harry Roque na posibleng umanong naging daan para makapuslit siya palabas ng Pilipinas.
00:13Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:16Matapos kumpirmahin ng DOJ kahapon na pinakakansila na ang pasaporte ni Atty. Harry Roque para mapadeport at mapilitan itong makauwi sa Pilipinas,
00:26iniimbestigahan naman nila ngayon ang malaking posibilidad na may dalawa hanggang tatlong passport si Roque.
00:32Paliwanag ng Department of Justice ang hawak nitong multiple passports ang nakikita lang nilang dahilan bakit hindi nag-a-alarm umano sa Bureau of Immigration ang mga nagiging biyahay ni Roque sa iba't ibang bansa.
00:44Yan ang aming nakita na maaaring paliwanag sa kanyang mga pag-alis kasi hindi nag-a-alarm eh.
00:53Hindi nag-a-alarm kasi meron lang lookout bulletin niya eh. Hindi nag-alarm.
00:58Sabi pa nga ni Remulya, hindi ito ang diplomatic passport nung opisyal pa ng gobyerno si Roque,
01:04kundi parehas umanong regular passport kaya lalabas na iligal o bawal ito.
01:08At least two Philippine passports.
01:10Isa pa rin. Kaya nang dapat yung isa lang yan eh. Parehong regular passport, parehong regular passport.
01:15Hindi pa rin sana kung official pa rin siya, meron siyang diplomatic tsaka meron siyang regular.
01:21Ang alam namin meron siyang dalawang regular.
01:23Hahalukay naman anya ng DOJ at pa-iimbestigahan sa Republic of Foreign Affairs kung paano nakakuha ng dalawang passport si Roque.
01:30We will ask sa DFA about it. Kasi DFA ang gumagawa yan. Hindi naman DOJ, hindi naman immigration. So we'll ask sa DFA.
01:38The DFA to cooperate with us is very important.
01:43Itinanggi naman ni Roque na may dalawa siyang passport.
01:46Giit niya, dalawa iyon dahil ang isa ay puno na o wala ng blanco.
01:50At ang mismong pasaporte niya ay nasa Dutch authorities para sa kanyang hiling na asylum.
01:55Wala pang sagot ang DOJ hinggil sa naging pahayag ni Roque.
01:59Samantala, para naman masiguro ang mahigpit pero mabilis na border control sa mga paliparan,
02:05ininspeksyon ni Remulia ngayong araw ang E-gate sa NIA Terminal 3.
02:10Planoan niya ng Bureau of Immigration na madagdagan pa ang E-gates para matiyak na mabilis ang time interval sa BI counters sa pag-alis at pagdating ng mga OFWs.
02:21Itinan natin yung proseso para mapabilis at mapaganda ang karinasan ng mga dumadaan dito sa NIA 3 at sa buong NIA Complex.
02:34Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.