00:00Mas pinabilis pa ang pagresponde sa mga insidente at mas maraming polis ang ipakakalat sa kalsada ng National Capital Region Police Office sa Kamainilaan.
00:09Alinsunod po ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na 5-minute response sa mga nangyayaring krimen.
00:16Sa programang Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo na nasa 21,000 na polis na ang nakapwesto sa matataong lugar sa Metro Manila.
00:27Kahapon ay nagsagawa ng inspeksyon sina NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin at DILG Secretary John Vic Remulia sa MRT Stations at ilang matataong lugar.
00:39Bukod sa Recaribrated Police Visibility, palalakas hindi ng PNP at DILG ang emergency hotline na Unified 911 sa buong bansa.
00:48Since meron po tayong mga polis sa barangay, kasi sila po yung katulog ng ating mga force multipliers, yung mga tanag po natin, yung barangay security forces, sila po yung katulong ng ating mga polis sa barangay.
01:02Pagka po sila ay nag-mobid patrol o yung pong ginagawang foot patrol po natin, lalo po sa gabi, sa madaling araw na nag-iikot tayo sa mga barangay,
01:11sinusuyod po natin yung mga areas na posibleng meron po mga lumalabag sa mga local ordinances,
01:17gaya po nung curfew natin, or yung pong mga traffic ordinances natin dito sa ating mga syudad.