00:00Muling gagamitin ang Nemesis Missile System ng Amerika para sa kamandag exercises na nagsimula na kahapon.
00:07Ang detalye sa report ni Patrick DeJesus.
00:13Nasa Pilipinas pa rin ang Navy Marine Expeditionary Ship Interdiction System o Nemesis Missile System ng US
00:20na unang dumating noong nakalaang buwan para sa balikatan exercises.
00:24Katunayan, muli itong gagamitin para sa kaagapay ng mga mandirigma mula sa dagat o kamandag exercises
00:31ng Philippine Marines at US Marine Corps dati nang inalmahan ng China ang naging deployment sa bansa ng Nemesis.
00:38These are scenario-driven exercises where we will conduct operations with the Nemesis which is a great capability and extends the commander's operational reach.
00:49Bukod sa Nemesis, gagamitin din sa kamandag ang Marine Air Defense Integrated System o MADIS at HIMARS Rocket System
00:57na naging tampok din noon sa balikatan.
01:00Karamihan sa mga pagsasanay sa ikasyam na iteration ng kamandag ngayong taon ay isasagawa sa Batanes, Palawan at iba pang bahagi ng Luzon.
01:09Apat na libong sundalo mula sa Philippine at US Marines ang lalahok kasama ang South Korea, Japan at United Kingdom
01:16habang may pitong bansa ang magsisilbing observers.
01:18So again, be able to learn and to stand what we have, what we did in the past na balikatan.
01:33Sabantala, positibo ang National Security Council na magiging maganda ang bunga ng pagsisulong ni Pangulong Ferdinand Arav Marcos Jr.
01:41sa usapin ng West Philippine Sea sa kanyang pagdalo ngayon sa 46th ASEAN Summit sa Malaysia.
01:48Nais kunin ang Pangulong suporta ng mga bansa sa ASEAN na mabuo na ang South China Sea Code of Conduct
01:53sa susunod na taon kung kailan magsisilbing host country ng ASEAN Summit ang Pilipinas.
01:59We hope and pray that the President will be able to get support from the political leadership of the other ASEAN nations towards this approach.
02:10We understand that ASEAN will be stronger if we have our position so that when we have this Code of Conduct negotiations,
02:19mas mabilis siyang matatapos.
02:23Muli namang ikakasa sa July 27 sa Quirino Grandstand sa Maynila ang takbo para sa West Philippine Sea.
02:31Gaya noong nakaraang taon, inaasahang libo-libo muli ang lalahok dito kung saan layo ng fun run
02:37na pataasin pa ang kamalayan ng publiko sa West Philippine Sea.
02:42Patrick De Jesus para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.