Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/26/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
01:00Sabi niya, mama, pag uminom ako ng gamot, malununod na ako.
01:04Si Nicole tinamaan na pala ng rabies virus.
01:07Ni, yung anak mo, tinatalian na.
01:12Kasi umakyat na yung rabies sa utak niya.
01:15Doon ko na nalaman siya na nakagat pa na siya ng aso.
01:18Wala raw pinagsabihan si Nicole na nakagat siya ng aso.
01:21Sabi ng ina, noong Marso pa nakagat sa paa ang anak.
01:24Pero nitong Sabado lang, May 24, lumabas ang mga sintomas.
01:28Sa 3D siya ng gabi, tumawag siya sa akin mga 10 o'clock.
01:32Sabi niya sa akin, mama, masama po pakiramdam ko.
01:35Mama, matay na po ako.
01:37Sabi niya, mama, tawagan mo si Toto.
01:39Sundoyin ako, papuntang ospital.
01:41Kahapon, binawian ng buhay si Nicole.
01:44Naulila niya ang tatlong taong gulang na anak.
01:47Hindi na ibuburo na tagad ng inilibing ang labi ni Nicole.
01:50Kaya ang ina niyang nasa muntin lupa,
01:52nananawagan ng tulong para makauwi sa libing ng anak sa Bacolod.
01:55Dahil nakakahawa ang rabies,
01:57nagpaturok na ng anti-rabies vaccine ang kapatid ni Nicole
02:00na may direct contact at nag-alaga sa kanya sa ospital.
02:04Pangalawa si Nicole sa nadokumentong namatay sa rabies sa loob ng isang linggo.
02:09Noong May 18, pumanaw rin sa rabies ang factory worker sa Laguna
02:14at dating kafgo na si Janelo Limbing.
02:16Siyam na buwan matapos makagat ng aso at hindi kinumpleto ang tatlong dosis ng bakuna.
02:21Ang rabies ay isang virus na inaatake ang central nervous system
02:26na ipapasa ito mula sa kagat at kalmot ng hayop na infected nito.
02:31Base sa datos ng DOH, 426 ang naitalang kaso ng rabies noong 2024
02:36at ngayong taon, mula Enero hanggang March 1, 55 na ang naitala.
02:41Sabi ng World Health Organization,
02:43pwedeng umabot ng hanggang isang taon ang incubation period
02:46o yung panahong nasa loob ng katawan ng rabies bago itong maglabas ng sintomas.
02:51Kaya huwag ipagbaliwala ang anumang kagat o kalmot ng hayop.
02:55Magpabakuna dahil nakamamatay ang rabies pero kaya rin agapan ng bakuna.
03:00Sa Quezon City, libre ang bakuna contra rabies para sa mga lehitimong residente.
03:05Kung hindi, babakunahan pa rin naman ang pasyente kaso unang shot lang.
03:09Ang mga susunod na doses dapat doon na sa LGU ng pasyente
03:12para hindi raw maubos ang supply ng mga taga-QC.
03:15Kada araw, umaabot ng hanggang tatlong daan ang nagpapabakuna sa QC contra rabies.
03:21Immediately po sana, pag nakagat po tayo at malalim yun doon sa mga sugat,
03:25magpunta na po doon sa pinakamalapit na health facility.
03:28Not necessarily mabibigyan po kayo agad ng vaksin,
03:31depende rin po kasi doon sa dami ng nakapila,
03:33pero at least mabibigyan po kayo nung doon sa instructions.
03:36Anong gagawin po ninyo kung habang nagaantay po kayo na mabakunahan?
03:40Libre rin ang bakuna contra rabies sa RITM sa Muntinlupa
03:43among Rodriguez Hospital sa Marikina,
03:46pati sa San Lazaro Hospital sa Maynila
03:48na may 100,000 vials parao para sa buong taon
03:51at kung maubos, nakakahingi naman ng tulong sa DOH.
03:54Magtanong din sa inyong LGU para sa libreng bakuna.
03:57May animal bite treatment package din ang PhilHealth
04:00na nagkakahalaga ng 5,850 pesos.
04:03Sakop nito ang anti-rabies vaccine, anti-tetanus at local wound care.
04:08Para sa GMA Integrated News,
04:10ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
04:13Hindi natuloy ang pag-iba sa mga bahay sa nakatakdang demolisyon
04:17sa isang barangay sa Maynila.
04:19Pero naging tensyonado ang mga tagpo na nauwi pa sa bomba ng tubig
04:23at batuhan ng silya.
04:26Saksi, si Maki Polido.
04:27Nang mabigyan ng hudyat, ang mga otoridad binomba ng tubig
04:35ang mga nakaharang sa gate ng compound sa barangay 262 Maynila.
04:40Pero nagmatigas sa mga residente habang nakakapit sa gate.
04:44Ang lalaking ito, gumamit na ng plywood para masangga ang bumubugang tubig.
04:48Nang agawin ang polis ang plywood at paalisin siya sa tapat ng gate,
04:52muling tumaas ang tensyon.
04:54Fire extinguisher naman ang iginantin ng mga residente sa anti-riot polis
04:58na nasa tapat ng gate.
05:03Sa isang punto, nangamoy gas matapos ihagis ang isang supot sa mga polis.
05:08Hinagisan din ang mga polis ng silya at water container.
05:12Sabi ni Sheriff Raimundo Rojas, apat na taong dininig ang kaso.
05:16October 2024, na-issue ang notice of demolition.
05:19February 2025 naman ang ibigay ang final notice.
05:23Iusap sila after Christmas, pinagbigyan.
05:26After klase, nag-eleksyon.
05:32Ayun na, tapos na lahat. Mag-opening na naman.
05:35Kaya, i-implement na yung court order.
05:39Nasa dalawandang residente raw ang nakalagda sa kaso sa korte para labanan ang demolition.
05:43Ayon sa sheriff ng korte, 38,000 pesos ang alok ng pribadong korporasyon
05:49na nakabili sa lupang kinatitirikan ang kanilang mga bahay.
05:52Sabi ng residenteng si Angelina Consuta, hindi raw nila ito tinanggap
05:56dahil ilang dekada nang nakatira ang marami sa kanila rito.
05:59Ang bahay nga raw nila, 1936 pa'y pinatayo ng kanyang mga magulang.
06:04Mawawalan po kami ng tirahan.
06:06Kami ay mga may sakit na mga matatanda.
06:08Matatanda, yung aming mga anak, wala rin trabaho.
06:13Gayun din ang aming mga apo, napakaliit pa.
06:20Hindi natuloy ang mismong paggiba sa mga bahay.
06:23Mag-alauna ng hapon, unti-unting humupa ang tensyon ng umalis na mga polis
06:28at mga truck ng Bureau of Fire Protection.
06:30Ayon sa isang kagawad ng Barangay 262,
06:33may inaasahan na kasing temporary restraining order mula sa korte.
06:36Para sa GMA Integrated News, makipulido ang inyong saksi.
06:48Para po maibsa ng inaasahang traffic sa isasagawang rehabilitasyon ng EDSA,
06:53magpapatupad ang MMDA ng On-Even Scheme sa EDSA.
06:57At hiwalay pa po yan sa pinapatupad ng Number Coding Scheme.
07:02At yan po ang pinusuhang sa Barangay Saksi,
07:04ni Nick Owahe.
07:06Sa gilid ng EDSA, sa Scout Borromeo, Quezon City, ang opisina ni Chester.
07:14Mula Marilaw-Bulacan, dito siya pumupunta araw-araw at sa EDSA ang palagi niyang daan.
07:19Dahil ito ang pinakamabilis at pinakamalapit.
07:22Kaso, pagdating ng June 16, mukhang iikot pa siya ng malayo tuwing Monday, Wednesday at Friday o MWF.
07:30Nine ang last sa plate number sa sasakya ni Chester.
07:33Sa bagong On-Even Scheme na ipatutupad dahil sa EDSA Rehabilitation,
07:38kasamang bawal sa EDSA ang sasakyan na may plate number ending sa 1, 3, 5, 7 at 9.
07:44Pag Tuesday, Thursday at Saturday naman, bawal sa EDSA ang 2, 4, 6, 8 at 0.
07:50Mahihirapan kaming ano, kasi isa lang yung sasakyan.
07:56Friday lang yung coding dapat, magiging ano na, Monday at saka Wednesday, Friday na.
08:04Malaking ano yan, malaking pero issue sa amin.
08:09Ang On-Even Scheme na yan ay para raw maibisan ang traffic dahil sa rehabilitation ng EDSA na magsisimula sa June 13.
08:16Sabi ng DOTR at MMDA, ililibre naman daw ang ilang segment ng Skyway Stage 3 pagdating sa July o August.
08:24Malamang daw doon dumaan si Chester, bababa na lang ng Quezon Avenue sa kadadaan sa scout area.
08:29Pero malayo yun. Taste na lang.
08:34Yung segment lang kung saan ididitur yung mga sasakyan na hindi na sila kailangan dumaan ng EDSA,
08:40paakit na lang sila sa Skyway.
08:42Pero may ilang motorista na nagtatanong, paano ang ilang araw na hindi ito libre?
08:47Mahal daw masyado ang Skyway.
08:49One month din po yun. Siyempre, mahirap din po talaga yun sa mga katulad.
08:53Well, actually po kasi yung work ko is filled po. Talagang kailangan ko din po talaga dadaan talaga ng EDSA
08:59para makakumita ko sa responsibility ko sa work. So magiging malaking perwisyo po talaga siya.
09:05Si Joseph, isang rent-a-car driver, magiging apat ang coding.
09:09Bukod sa bawal siya sa EDSA ng MWF, bilang tres ang kanyang plaka,
09:13coding din siya ng Tuesday mula sa regular na number coding.
09:17Kinakailangan magkaroon sila ng mas magandang routing na dadaanan namin.
09:21Hindi rin daw siya siguro sisitahin kung tatawid siya ng EDSA papunta ng Commonwealth kung saan ang kanyang garahe.
09:28Exempted sa odd-even scheme ang mga hybrid electric cars at mga TNVS.
09:3324 hours ipatutupad ng MMDA ang odd-even scheme.
09:37Pero plano rin daw nila magkaroon ng window hours mula 10pm to 5am.
09:42Isang linggong dry run muna ang gagawin nila pag nagsimula ito sa June 16.
09:46Wala namang odd-even scheme tuwing linggo.
09:48Kung maglilibre ulit yung Skyway, ay makakareduce po tayo ng between 10 to 20% volume sa EDSA.
10:02Kung sasamahan po yan ng odd-even scheme na additional 40%,
10:07and expect po natin na mas bibilis po yung galoy ng traffic at hindi po magkakaroon ng karma ka doon sa EDSA.
10:20At tataas po yung travel speed.
10:24Ayon sa DOTR, magdadagdag din sila ng isang daan pang bus para sa EDSA busway.
10:30Magdadagdag din ng 4-car train set sa MRT3.
10:33Bawal din muna ang provincial buses, trucks at iba pang malalaking sasakyan sa EDSA mula 5am hanggang 10pm.
10:40Aalisin din muna ang mga bike lane barriers at magkakaroon ng exclusive lane para sa mga motorsiklo.
10:46Magbubukas din ang mga alternatibong ruta ang MMDA habang isinasagawang rehabilitation na magtatagal hanggang 2027.
10:54Para sa GMA Integrated News, ako si Niko Wahe, ang inyong saksi.
10:57Paghihiganti ang isa sa tinitignang anggulo sa pamamaril sa flag racing ceremony sa isang barangay sa Dasmarinas City, sa Cavite.
11:07Patay ang barangay chairman at dalawang kagawad at nasawi rin ang suspect matapos magbaril sa sarili.
11:14Saksi, si Mark Salazar.
11:18Sa gitna ng flag ceremony ng barangay sa Litran 3 sa Dasmarinas, Cavite, biglang umalingaungaw ang mga putok ng baril.
11:28Bumulag ka ang kapitan at isang kagawad habang nagtakbuhan ng iba pa.
11:34Ang video na yan ang pamamaril viral ngayon sa social media.
11:38Ayon sa pulisya, hinabol pa ng suspect ang isa pang kagawad papasok ng barangay hall at doon binaril pati ang SK secretary.
11:45According sa witnesses ko, is 6 na putok yung si kapitan na headshot.
11:52Isang kagawad na katabi niya, isa.
11:55Tapos yung isang kagawad na nakatakbo na sa opisina, dalawa sa likod.
12:01Tapos yung SK secretary, dalawa po sa tiyan na undergoing operation.
12:08Patay ang kapitan ng barangay at dalawang kagawad habang malubhang nasugatan ang SK secretary.
12:15Sabi ng pulisya, ang barangay treasurer ang pakay ng suspect na isang dating tanod.
12:19Ayun po yung sinasabi ng mga witnesses sa area na hinahanap yung, after na nabaril yung kapitan sa akin, hinahanap po niya yung tao.
12:29Nagsisigaw po siya. Pagkatapos nun, mula ng ano, saka po siya umalis on foot.
12:37Matapos isagawa ang krimen, umuwi ang suspect sa bahay at doon daw nagbaril sa sarili.
12:42I-imbestigahan pa rin po kung sino po ang nagmamayari ng baril na ginamit po ng suspect.
12:51Na-recover sa katawan ng suspect ang dalawang magazine ng kalibre 45 baril.
12:56Pero ang ginamit ng baril, misteryong nawawala raw.
13:00Tanong sa imbestigasyon ngayon kung sino ang nagtago ng baril.
13:05Pag-ihiganti ang isa sa mga motibong tinitingna ng mga autoridad.
13:09Matapos umanong tanggalin bilang tanod ang suspect.
13:11Nung buwan po ng Pebrero, ay nakasahod pa po ito.
13:16Napasok pa po ito sa trabaho despite po nung kanyang karamdaman na diabetes.
13:22Ito pong last na buwan, ito pong Mayo, na kukuni na po niya yung sahod niya doon sa treasurer,
13:30ay hindi po ibinigay at ang dahilan po ay nakahol po po yung kanyang sahod.
13:34Tinanggal na po siya sa pagkakano dahil nga po ineffective na po siya.
13:38Dahil hindi na nga po siya nakakapasok dahil sa kanyang karamdaman.
13:42Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa GMA Integrated News.
13:46Ako, si Mark Salazar.
13:49Ang inyong saksi.
14:08Ang inyong saksi.
14:09Ang inyong saksi.

Recommended