Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/26/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nage-inspeksyon ang mga opisyal ng Agriculture Department sa Warehouse ng National Food Authority sa Bulacan.
00:07Nakipagpulong din ang mga opisyal sa mga magsasaka.
00:10Saksi, si Bernadette Reyes.
00:15Mga truck na magbabiyahe ng mga aning palay at mga dryer
00:18ang ilan sa mga inilapit na mga magsasaka sa pakikipagpulong sa Department of Agriculture kanina.
00:25Ang palay po kasi namin nasa bahay lang hindi po mahakot dahil wala pong transportation, walang truck.
00:34Ayon sa Department of Agriculture, may siyam na pong truck na binili ang National Food Authority o NFA ngayong taon.
00:40Labing-anim dito, dumating na sa bansa at pinagagamit na sa mga magsasaka.
00:45Maaari rin itong gamitin para hakutin ang mga sobrang produksyon gaya ng carrots, kamatis o sibuyas.
00:51O kaya na may gamitin para sa mga kadiwa.
00:55Pinagamit na rin ang NFA ang warehouse na kinumpuni kahit hindi pa tapos,
00:59basta ligtas na itong gamitin gaya nitong nasa Malolos, Bulacan.
01:03Paraan daw ito para solusyonan ang hinaing ng ibang magsasaka sa mababang presyo ng palay
01:08na umaabot na sa 12 pesos sa ilang lugar.
01:12Bumaba po ang aming palay dahil po ba doon sa inaangkat?
01:16Sabi po ni administrator, hindi naman doon.
01:18Siguro po, mga traders gusto po nilang kumita ng malaki.
01:23Kami, bagsak ang aming presyo.
01:27Kapag ang warehouse ng NFA sa isang lugar, puno na at hindi tayo makapamili,
01:33doon pumapasok yung mga, sabihin na natin, pananamantala,
01:38kasi walang ibang mapagdadalhan yung ating mga magsasaka.
01:40That's why ang discarding ngayon, free up doon sa mga depressed prices.
01:44Pumaasa rin ang DA na babalik ang mandato ng NFA na makapagbenta muli ng bigas.
01:50Sa ngayong kasi, buffer stocking ang ginagawa ng NFA para mas sigurong may sapat na bigas,
01:55lalo na sa panahon ng mga emergency o kalamidad.
01:58Ang mas magandang mangyari is pwedeng magbenta ang NFA sa palengke to accredited NFA retail outlets like before.
02:14Kailangan din yung lahat ng retailers at traders ay kailangan by law mag-register sa NFA.
02:21Para sa GMA Integrated News, ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
02:27Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:29Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended