Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Ngayong araw na magsisimula ang pagpupulong ng mga leader ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN
00:05at kabilang si Pangulong Bongbong Marcos.
00:08Inaasang matatalakay roon ng bagong polisya ng Amerika sa taripa at supply ng langis.
00:13Live mula sa Kuala Lumpur, Malaysia.
00:16May unang balita kasama natin si Ivan Mayrina.
00:19Ivan!
00:23Igaan mga kapuso, selamat pagi magandang umaga mula dito sa Kuala Lumpur, Malaysia
00:28kung saan nga ngayong umaga po ay magsisimula na, magbubukas na ang 46th ASEAN Summit.
00:34Pinangungunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang official Philippine delegation
00:37at syempre kasama po ang inyong GMA Integrated News sa official media delegation.
00:42Tulad ng kanyang mga nakaraang partisipasyon sa ASEAN, igigit ng Pangulo.
00:46Ang ating karapatan at jurisdiksyon sa West Philippine Sea sa ilalim ng UNCLOS at ng 2016 Arbitral Award.
00:53Pero bukod dyan, isa sa mga inaasahan magiging highlight at isang panibagong issue
00:57yung kakaharapin ng mga bansa sa ASEAN ay ang reciprocal tariffs na ipinataw ng Amerika
01:01sa halos lahat ng bansa sa mundo kabilang ang mga bansang miyembro ng ASEAN.
01:06May kanikan niya mga pulong ang mga ASEAN member states sa Amerika
01:09pero nais din ang ASEAN na magkaroon ng iisang tinig na mas malakas
01:12at magbibigay ng mas malaking kapakinabangan sa mga ekonomiya ng mga miyembro nito.
01:17Sa dalawang araw na pagtitipon, magkakaroon din ang ASEAN GCC Summit.
01:21Ang GCC po ang ibig sabihin niya ni Gulf Cooperation Council na may anim na miyembro
01:26ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, Kuwait at Oman.
01:31Mahalaga yan sa ASEAN dahil alam naman natin na ang mga bansa sa GCC
01:35ang nagsusupply sa pangailangan sa langis ng malaking bahagi ng mundo.
01:40At para naman sa Pilipinas, mahalaga ang ating ugnayan sa mga bansa ng GCC
01:44dahil sa daan-daang libong Pilipino nagtatrabaho sa mga bansang miyembro nito.
01:49Maliban sa ASEAN GCC, magkakaroon din ang ASEAN GCC China Summit
01:53kung saan lalahok ang China bilang dialogue partner sa ASEAN at GCC
01:57sa mga usapin ng kalakalan at ekonomiya.
02:01Maliban sa mga pulong na yan, magkakaroon din ang bilateral meetings ng Pangulo.
02:04Ito po yung mga one-on-one na pag-uusap sa mga leader ng Kuwait, Lao at Vietnam.
02:10Yan ang mga kumpirmado at maaaring madagdagan pa.
02:13Kasama sa delegasyon ng Pangulo si Foreign Affairs Senior Undersecretary Teresita Lazaro
02:17na pinangalanan ng susunod na magiging kalihim ng DFA
02:20at si Trade and Industry Sekretary Christina Roque
02:23na miyembro ng economic team na nauna ng inanunsyo na mananatili sa Gabinete ng Pangulo.
02:28Kasama rin dito si Presidential Communication Sekretary Jay Ruiz
02:31at si Leo Tereso Magno, Chairperson ng Mindanao Development Authority.
02:36Habang naririto ang Pangulo, naririyan siyempre ang mga isyong naiwan sa Pilipinas
02:40at inaasahan magkakaroon tayo ng pagkakataong matanong siya.
02:43Una, tukol halimbawa sa ginagawang balasahan sa kanyang gabinete
02:47at iba pang may init na isyong kinakaharap ng kanyang administrasyon.
02:52May mahigit 200,000 na Pilipino dito sa Malaysia
02:55pero sa pagkakataong ito ay walang nakaschedule na pagtitipon ng Filipino community
03:00sa pagbisitang ito ng Pangulo para sa 46th ASEAN Summit.
03:04At yan ang latest mula dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
03:07Balik sa iyo, Igan.