Parehong ibinasura ng Comelec ang magkahiwalay na kasong isinampa laban kay Senator-elect Erwin Tulfo at sa Bagong Henerasyon Party-list. Kaugnay naman sa kaso ng Duterte Youth Party-list na sinuspinde rin ang proklamasyon, wala pa raw desisyon ang Comelec Second Division.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Parehong binasura ng COMELEC ang magkahiwalay na kasong isinampa laban kay Senator-elect Erwin Tulfo at sa Bagong Henerasyon Party List.
00:10Kagnay naman sa kaso ng Duterte Youth Party List na sinuspindi rin ang proklamasyon, wala pa raw desisyon ng COMELEC 2nd Division.
00:18Nakatutog si Sandra Aguinaldo.
00:20Nanalo ng isang pwesto pero hindi ipindrok lama ang Bagong Henerasyon Party List sa nagdaang eleksyon dahil sa kasong nakabimbin sa COMELEC kaugnay ng umunay abuse of state resources.
00:35Labing isang araw matapos ang eleksyon, nagbaba ng desisyon ng COMELEC 1st Division na nagbabasura sa petisyon base sa teknikalidad.
00:44Gaya ng kabiguan ng petitioner na maglakip ng kailangan dokumento at kabiguan personal na bigyan ng kopya ng petisyon ang party list.
00:53Gayunman, wala pa rin munang proklamasyon para sa BH party list.
00:57Hindi pa po kami nag-order kaagad yung division ng proklamasyon sapagkat aabangan natin kung anong gagawing remedyo nung mismong petitioner, gano'ng na-dismiss po yung kaso.
01:07Samantala, dismissed din ang kaso laban kay Senator-elect Erwin Tulfo sa COMELEC dahil din sa teknikalidad.
01:14Kaugnay ito sa petisyon nagpapadiskwalipika kay Tulfo dahil convicted siya sa four counts of libel na maituturing umanong moral turpitude o gawaing kasuklam-suklam.
01:26Kinawestiyon din ang kanya umanong U.S. citizenship.
01:29Ayon sa COMELEC, hindi na pinagbatayan ang merito ng kaso.
01:33Isa kasi sa tinitingnan lagi sa isang petisyon, yung bang ground na nakalagay dyan sa petisyon ay isa lamang.
01:40Hindi po kasi pwede magsama-sama ng mga grounds. One ground, one petition po ang rule.
01:46Nagpasalamat naman si Tulfo sa komisyon at mga taga-suporta.
01:50Patunayan niya itong walang batayan ang mga disqualification case laban sa kanya.
01:55Kaugnay naman sa kaso ng Duterte Youth Party List, hinihintay pa ang desisyon ng COMELEC 2nd Division.
02:01Ang issue po doon ay on the merits. It goes into the very heart as to whether dapat bang na-accredit o hindi yung natural party list.
02:09Patuloy naman ang pagdating sa COMELEC ng mga nagahain ng election protest.
02:14Kailangan kasi itong maisampah, sampung araw matapos ang proklamasyon ng mga nanalo.
02:20Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Oras.