Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/22/2025
Pinagsumite ng courtesy resignation ni Pangulong Bongbong Marcos ang mahigit apatnapung miyembro ng kanyang Gabinete at mga opisyal na may Cabinet rank. Pag-aaralan daw ng pangulo ang naging performance nila bago magpasya kung tuluyan silang sisibakin.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinagsumiti ng courtesy resignation ni Pangulong Bongbong Marcos
00:04ang mahigit 40 miyembro ng kanyang gabinete at mga opisyal na may cabinet rank.
00:11Pag-aaralan daw ng Pangulo ang naging performance sila bago magpasya kung tuluyan silang si Sibakinda.
00:19Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:23Sa unang episode ng kanyang podcast ay lalabas itong lunes,
00:27dalawang leksyon ang binanggit ng Pangulo na natutunan daw ng kanyang administrasyon mula sa naging resulta ng eleksyon 2025.
00:34Una, nagsawa na ang Pilipino sa politika.
00:40Sawan-sawa na sa politika.
00:42Pangalawa, disappointed ang tao sa servisyon ng gobyerno.
00:47Hindi nila nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw ng paggubuo ng mga project na hindi pa nila maramdaman.
00:57At dahil dyan inanunsyo ng Malacanang ngayong araw na pinagsusubitin ng Pangulo ng courtesy resignation ang lahat ng miyembro ng kanyang gabinete
01:05kasama mga pinuno ng ahensya at presidential advisor na may cabinet rank.
01:09This is not business as usual, the President said.
01:14The people have spoken and they have expect results.
01:17Not politics, not excuses.
01:20We hear them and we will act.
01:23Hanggang ngayong hapon, mahigit 30 miyembro ng gabinete na ang nagpahayag ng kahandaang magbitiw kung hindi man nagsumiti na ng courtesy resignation alinsulod sa utos ng Pangulo.
01:33Sa mga susunod na araw, susuriin daw ng Pangulo naging performance ang bawat isa sa kanila
01:38at kung nagkaroon ng katewalian sa kanilang mga ahensya at saka magpapasya kung sino ang tuluyang sisibakin
01:44at kung sino mananatili sa pwesto para tahakin ang direksyon ng pamahalaang na isang Pangulo sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.
01:51Yes, mananatili sila sa kanilang posisyon. Siguro ito yung tamang panahon para ipakita nila na dapat sila manatili sa kanilang posisyon.
02:00Pero kapag nakita po talaga ng Pangulo na hindi mo deserve ang iyong posisyon, you will be out.
02:07At ito ho ba ang panahon na makikita natin from here on again yung sinasabi ng Pangulo na marahil kailangan ng mas mabagsik na pamumuno?
02:17Opo. Umpisa lamang to.
02:20Sa presentation ng mga bagong batas sa Malacanang ngayong hapon, present ang ilal sa mga membro na kanyang gabinete
02:26tulad din na DILG Sekretary John Vic Remulia, PCO Sekretary Jay Ruiz, DOST Sekretary Renato Solidum
02:33at Depdab Sekretary Arsenio Balisacan na pawang nagsumiti na ng kanilang courtesy resignation.
02:39Idinaan naman ang Pangulo sa Biro ang pagpapabitiw sa kanila.
02:42The Honorable Members of the Cabinet. Teka may lamang pa ba yung kabinete ko?
02:48Who am I addressing now?
02:56We are in flux.
02:58Isa sa mga ipinresentang batas ang pagtatatag ng Department of Economy, Planning and Development o ang dating NEDA.
03:07Bahagi ito ng kagustuhan niyang mas mabilis at mas ramdam na pakinabang ng taong bayan sa mga ginagawa ng pamahalaan.
03:13Magiging katuwang natin ang Depdab sa pagtiyak sa paggamit ng ating pondo na ipapatupad ang programa ng wasto at naghahatid ng pakinabang sa mamamayan.
03:27Samantala sa linggo May 25, biyahing Kuala Lumpur, Malaysia ang Pangulo para dumalo sa 46 ASEAN Summit.
03:35Sa harap ng mga kapwa-lider sa ASEAN, ng China at mga bansang miyembro ng Gulf Cooperation Council o GCC,
03:41igigit ng Pangulo ang posisyon ng Soberanya, Karapatan at Horisdiksyon ng Bansa sa West Philippine Sea.
03:46Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.

Recommended