Bukas daw si Senadora Nancy Binay na makipag-usap kay Taguig Mayor Lani Cayetano para ayusin na ang hidwaan sa pagitan ng Makati at Taguig. Pero kung magka-dayalogo man, para sa papa-upong alkalde ng Makati -- mas mabuting 'wag na raw sumama ang asawa ni Mayor Lani na si Senador Alan Peter Cayetano.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Bukas daw si Sen. Nancy Binay na makipag-usap kay Taguig Mayor Lani Caitano
00:04para ayusin na ang hidwaan sa pagitan ng Makati at Taguig.
00:09Pero kung magkadayalog man para sa papaupong alkalde ng Makati,
00:13mas mabuting huwag na raw sumama ang asawa ni Mayor Lani na si Sen. Alan Peter Caitano.
00:19Nakatutok si Maab Gonzalez.
00:24Para matuldukan na ang girian ng Makati at Taguig,
00:27bukas daw si Makati Mayor-elect Nancy Binay na unang makipag-usap kay Taguig Mayor Lani Caitano.
00:33Okay lang sa akin mag-initiate.
00:35Sabi ko nga, di ba, kami ni Mayor Lani, ilang beses na kami nakikita sa mga events.
00:41Wala kaming issue, wala kaming problema.
00:44So madali para sa aming dalawa ang mag-usap.
00:47Ang hirap kaya nakaaway mo yung kapitbahay mo.
00:51Kailangan talaga namin mag-usap ni Mayor Lani para maayos itong gulo between Makati and Taguig.
01:00Kasi ayoko din naman na maapektuhan yung mga kababayan ko sa EMBO.
01:05I-dineklara na ng Supreme Court na nasasakupa ng Taguig ang sampung EMBO barangays.
01:10Pero may demandahan ang dalawang syudad dahil ipinaglalaban ng Makati na pagmamayari pa rin ito ang mga aset ng barangay,
01:18gaya ng mga barangay hall, public park at health center.
01:21Sabi ni Binay, pag upo niya bilang mayor, hindi raw niya ipagkakait ang serbisyo sa mga taga-EMBO.
01:27Yung ownership, hindi tayo nag-a-agree na it is already part ng property ng Taguig.
01:36Pero yung paggamit for the meantime, parang hindi natin kukontrahin yun.
01:41Kasi sayang naman eh, nandoon na yun, natayo na yun.
01:46So bakit ko naman ipagkakait sa mga taga-EMBO yung paggamit ng mga facilities na yun.
01:51Pero kahit bukas siyang makipag-dialogo kay Mayor Lani, mas mainam daw kung hindi na sumama sa pulong si Sen. Alan Peter Cayetano.
01:59Matatandaang si Cayetano ang nanguna sa Senate investigation sa umano'y katiwalian ni dating Vice President Jejomar Binay noong siya pa ang alkalde ng Makati.
02:08Ilang beses ding nagkasagutan si Sen. Binay at Sen. Cayetano sa mga pagdinig ng Senado kabilang sa issue ng new Senate building.
02:16Mas maganda na kaming dalawa na lang para walang mga baggages.
02:22Ikinatuwa naman ni Mayor Lani ang pahayag ni Sen. Nancy.
02:26Lalo't sinisikap daw talaga nilang maibigay ang pinakamagandang servisyo sa EMBO barangays.
02:31I am also very excited to work with Mayor Nancy Binay.
02:35I think marami kaming mapapagtagumpayan ng mga programa dahil marami naman kami ng mga programang aligned.
02:46Lalo na pag yung interest, yung convenience, and yung welfare ng mga kababayan natin ang pag-uusapan.
02:54Samantala susulat daw si Sen. Nancy sa kapatid niyang si outgoing Makati Mayor Abbey Binay ukol sa transition sa City Hall.
03:02Hindi pa raw sila nakakapag-usap.
03:04Pero umaasa pa rin daw siyang magkakaayos silang magkapatid, lalo ngayong tapos na ang eleksyon.
03:09Matatanda ang tinalo ni Sen. Nancy sa pagkaalkalde ng Makati ang kanyang bayaw at asawa ni Mayor Abbey na si Congressman Luis Campos.
03:17Kahit anong dahilan, basta at the end of the day, mag-aayos kami dapat magkakapatid.
03:23And pwedeng hindi ngayon, but in the future, kasi naiintindihan ko din baka may mga sugat pa na na-create dahil dun sa laban na nangyari sa amin sa lokal.
03:35Pero diba ka paulit-ulit ko namang sinasabi, hindi ako nagsasara ng pinto na mag-aayos kami magkakapatid.
03:42Sinusubukan pa naming makuha ang panig ni Mayor Binay.
03:44Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.