Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/22/2025
EXCLUSIVE: Arestado ang ilang miyembro ng dayuhang sindikatong nagtago umano sa Maynila at Bulacan. Ang mga suspek, miyembro raw ng itinuturing na isa sa mga pinakamalaking crime group sa Japan. Ang kanilang pinupuntirya, mga senior citizen.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arrestado ang ilang miyembro ng dayuang sindikatong nagtag-u-umano sa Maynila at Bulacan.
00:05Ang mga suspect, miyembro raw ng itinuturing na isa sa mga pinakamalaking crime group sa Japan.
00:11Ang kanilang pinupuntiriya, mga senior citizen. Nakatutok si John Consulta.
00:15Exclusive!
00:20Matapos ang ilang buwang surveillance, natuntun din ng intelligence group ng militar at BI fugitive search unit
00:26ang pinagtataguan ng kanilang mga high-profile target na dayuang sa Maynila at Bulacan.
00:36Ang isang ito na sinasabing isa sa boss ng grupo, inabutan pang natutunog.
00:44Medyo naging challenging itong operation natin na ito kasi sinusubukan natin na makuha yung pito na subjects natin.
00:51Nung makonfirm nga natin yung mga safe house nila, agad tayong nakipagtulungan sa San Jose del Monte Police Station
01:00at sa Ermita Police Station upang pasukin itong kanilang pinagtataguan.
01:05Ayon sa BI, di basta-basta ang criminal group ang kanilang tinarget na itinuturing na isa sa pinakamalaking crime group sa Japan.
01:13Itong grupong ito ay nanahuli natin ay isa sa mga top leaders nitong JP Dragon Syndicate
01:20na matagal nang nagtatago at nag-ooperate dito sa atin, ang kanilang telecom fraud syndicate.
01:26Sinasabi din na itong grupong ito, karamihan sa mga leaders nila ay mga former Yakuza.
01:32So mao-obserbahan natin yung dynamics ng grupo nila is very similar sa Yakuza.
01:38Ang Luffy Group Syndicate ay nagmula din sa grupo na ito.
01:41Ang pinakamodus daw ng mga dayuwang sindikato,
01:45biktimahin ang mga senior citizen sa kanilang bansa na kung minsan ay nauuwi sa pananakit sa kanila.
01:52Sila ang nagtitimon ng mga gagawin ng mga actors nila sa Japan
01:57kung saan papasukin yung bahay ng mga matatanda,
02:01kukunin yung mga ATM cards at doon nila umpisa ang pagnakawan.
02:04Napakahalaga na mahuli natin at mapadeport sa Japan.
02:08Hindi malayong magkaroon, mag-localize din yung market nila
02:10at magkaroon sila ng mga Filipinos na cohorts
02:13at eventually magkaroon din ng mga Filipino na biktima.
02:17Yun po yung iniiwasan natin.
02:20Wala pang pahayag ang mga aristadong Japon
02:22na nakakulong na sa BI Detention Facility sa Bikutan.
02:25Para sa GMA Indigrated News,
02:28John Consulta, Nakatutok 24 Aras.
02:31To be continued...

Recommended