00:00Unti-unti ng nararamdaman ng mga Pilipino ang resulta ng pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaki ng food security sa bansa.
00:10Patunay dyan ang napanatiling mababang presyo at stable na supply ng mga bilihin.
00:15Ang sentro ng balitang yan mula kay Vell Custodio.
00:21300 pesos lang ang dala ni Delia para mamalengke ngayong araw.
00:24Kaya sinamahan namin siyang mamili para malaman kung hanggang saan magkakasya ang 300 pisong budget.
00:31Sa tingin niyo po ba kasya kaya ang 300 peso sa pamimili po natin ng pamputahe?
00:37Pwede na po yung kasya na.
00:41Ilan po ba kayo sa pamilya nakakain sa halagang 300 pesos?
00:45Apat po.
00:46Una naming pinuntahan ang gulayan.
00:48Bumili kami ng dalawang tali ng talbos na kamote sa halagang 40 pesos.
00:53Bumili na rin kami ng tig-dalawang pirasong panggisang bawang na 11 pesos at sibuya sa 12 pesos lang.
00:59Nag-ikot-ikot na rin kami sa palengke na Kamuning Public Market para makabili na iba pang pangsahog.
01:04Bumili kami ng malaking delata na sardina sa halagang 68 pesos.
01:08At syempre, mantika na 40 pesos na kasya na sa isa hanggang dalawang linggong lutuan.
01:14Pang-uli naman namin binili ang murang-murang bigas na 20 pesos lang kada kilo.
01:19At dahil wala pang 200 piso ang nagagaso sa pamimili ng pangsahog.
01:235 kilo na ang bilinin naming bigas.
01:26Wala pang 300 piso, kumpleto na ang ulam at sobra pa ang kanin.
01:31At ayan na nga tapos na po mamili si nanay, nai. Ano-ano po ba yung mga napamili natin?
01:37Yung gulay na talbos, sardinas, mantika, tsaka sibuyas, bawang.
01:46Mga magkano po yung inabot po noon?
01:48Umabot ng 2, 70, 75.
01:53Kasyang-kasya po ba dun sa 300 pesos?
01:56Kasyang-kasya na po.
01:58Sa pagsisikap ng administrasyon ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. para sa food security,
02:03napapanatili ang mababang presyo at stable na supply ng mga bilihin sa merkado.
02:08Idagdag pa sa ginhawa ng mga mamimili kagaya ni Delia,
02:11ang programang 20 bigas meron na.
02:14Velco Studio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.