Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/21/2025
Arestado ang isang police corporal na sangkot sa robbery-extortion at carnapping sa lungsod ng Caloocan. Nananakit pa raw ang suspek sa mga biktima na hindi nagbibigay ng pera sa kanya. Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang isang kasamahan nito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Arestado ang isang police corporal na sangkot sa robbery, extortion at carnapping sa lungsod ng Kaluokan.
00:12Nananakit pa raw ang suspect sa mga biktima na hindi nagbibigay ng pera sa kanya.
00:17Tinutugis ngayon ng mga otoridad ang isang kasamahan nito at nakatutok si Oscar Oida.
00:23Sa mismong headquarters ng Northern Police District, inaresto ang isang police corporal kaninang hapon.
00:32Hinuli siya ng mga tawa ng Quezon City Police District matapos madawid sa kasong robbery, extortion at carnapping.
00:39Kwento ng umunay biktima nito na itago natin sa pangalang Ariel.
00:43Pinara ang kanyang motorsiklo ng dalawang lalaking nagpakilalang mga polis sa northbound lane ng EDSA.
00:49E sinakay daw siya sa isang SUV na may tatlo paumanong ibang sakay.
00:54Hiniwan yung motor ko doon, tapos dinala kami kahit saan-saan.
01:00Tapos yung tatlong kasama kong nakasakay doon, hinihingyan ng pera na kung meron sila pwedeng lapitan na yung magbayad sa kanila.
01:12Pumunta kami ng Valenzuela dahil yung kapatid doon yung isa magbibigay rin ng pera.
01:16Pero nung pumunta po kami doon, nung wala yung kapatid, umalis po kami, inintay namin, inintay nila yung nagbigay yung isa.
01:25May mga panahon umanong sinasaktan pa umano ang mga ito.
01:29Nung wala silang makuha, binugbog nila yung isa, nadugwan na, tapos tinawagan yung kapatid,
01:35nagmamakawa yung kapatid ng kuya na bigay mo na tol, bigay mo na tol.
01:39Doktor, hindi nilibibigay yan, papatayin na nila ako rito.
01:44Kaya po nagbigay po ng pera kagad yung kapatid na isang nahuli po.
01:49Makalipas ang may git-alim na oras na paikot-ikot ng sakyan,
01:54pinababa daw ang dalawang biktima sa may parting Del Monte Avenue sa Quezon City.
01:59Siya naman, ibinaba din kung saan siya kinuha.
02:03Nakunan ito ng CCTV ng barangay na nakakasakop sa lugar.
02:06Yung binaba po ako dyan, sabi sa akin, wala ka malang ibibigay, ikunin na namin yung motor.
02:12Yan po yung unang talagang sinabi nila, pagbaba.
02:15Wala ka yung mabibigay, ikunin na namin yung motor.
02:18Oo po, yun yung inanon yan.
02:20Yan po yung unang-unang pagbaba nila, sinabi nila.
02:22Opo.
02:23Tapos po yung, ano sabi ko, pwede po kunin yung cellphone ko kasi kailangan ko sa trabaho ko po yan, sabi ko.
02:30Ay, kung gusto mo, tuluyan ka na namin, sabi sa akin.
02:33Kasi gusto nila, isalvis kami. Sabi ko, hindi po.
02:36Sa ginawang pagsisiyasat ng QCPD, nakumpirma na nga na ang isa sa mga suspect ay isang police corporal
02:43na nakatalaga sa District Personal Holding Administrative Section ng NPD.
02:48Na-validate nitong ating mga investigator at ito po ay na-identified through yung sa CCTV footage na recover.
02:58And dun po din sa, ano, sa kipag-ugnayan din kasi nakipag-ugnayan din ang ating mga operatiba
03:05dito sa Intelligence Division ng Northern Police District.
03:11Ayon pa umuno sa nakalat na impormasyon ng QCPD, may iba pang kaso na kinakaharap ang nasabing police.
03:18Kaya siya ngayon naka-presently assigned dito sa Northern Police District Personal Admin Section
03:28dahil meron din siyang mga previews na mga record when it comes to irregularities in the performance of duties,
03:39itong police na ito. So may dati na siyang involvement.
03:42Hindi kinilala ng QCPD ang naarestong police corporal.
03:46Sa ngayon ay sumasa ilalim na sa pag-iimbestiga ng SIDU ang naarestong police corporal.
03:53Pinagahanap naman na ang kasamahan nito.
03:56Paalala naman ang mga police sa publiko sakaling makaranas ng kaparehas na modus.
04:01Paalala natin sa publiko na kung may mga ganitong insidente na may magpakilalang police,
04:07huwag po tayong mahihiyang manigurado kung tingnan natin kung sila po ay nasa tamang uniforme
04:14at huwag mahihiyang hingyan po sila ng ID para po sa ating kaligtasan.
04:19Para sa GMA Integrated News, Oscar Oyd na nakatutok, 24 oras.
04:37Paalala natin sa publiko na ating kaligtasan.

Recommended