Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/20/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kanyang kauna-una ang podcast, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ipinaubayan niya sa Senado na magsisilbing impeachment court ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
00:10Ang pahayag naman ng visit tungkol sa kagustuhan niya magkaroon ng bloodbath sa impeachment trial, inalmahan ng Malacanang.
00:17Malitang hatid ni Ivan Mayrina.
00:22Really, I truly want the trial because I want a bloodbath talaga.
00:27Ang pahayag na ito ni Vice President Sara Duterte noong Sabado, kaugday na napipitod niya impeachment trial.
00:33Binatiko si Partialist Representative-elect Laila de Lima, na isa sa magiging miyembro ng House Prosecution Panel.
00:40Anya, mako-contempt ang defense team ni Duterte kapag sinubukan manggulo at magdrama sa paglilitis.
00:47Dapat siguro magkaroon ng panibagong kaisipan yung ating Vice President.
00:53Yung kanyang mindset, baguhin niya dapat dyan because it is so unbecoming of a high official.
01:01Inalmahan din ito ng Malacanang.
01:03Medyo may pagkabayulente ang tugon ng ating Vice Presidente pero we hope that it is just a figure of speech and it should not be taken literally.
01:12Sinubukan namin kunin ang komento ng Vice pero wala pa siyang tugon.
01:17Sa bagong panayam kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang kauna-unahang podcast, tinanong siya kung masasabi ba niyang ayaw niya ng impeachment.
01:24Yung impeachment, nasa Senado na yan. Pabayaan natin sila, may proseso yan. Pabayaan natin ang proseso.
01:34Ako, basta ang nasa isip ko, tapos ng eleksyon, balik sa trabaho. Gawin na natin lahat with the new lessons learned.
01:45Bukas din daw ang Pangulo na makipagkasundo sa mga Duterte.
01:48Gusto ko makasundo sa lahat ng tao. Mas maganda pala. Marami na akong kaway. Hindi ko kailangan ng kaway. Kailangan ko kaibigan.
01:56Hanggat maare, ako, ang habol ko, yung stability, peaceful, para magawa namin yung trabaho namin.
02:07Kaya ako, lagi na akong bukas sa ganyan. I'm always open to any approach na, alika, magtulungan tayo.
02:15Diba? Kahit hindi tayo magkasundo sa pulisiya, hindi tayo magkasundo. Gawin niyo yung trabaho pero huwag niya tayong nangugulo.
02:22Wala pang tungon dito si Vice President Sara Duterte, pero naiiparating na raw ito sa kanya, ayon sa Office of the Vice President.
02:29Sinagot din ang Pangulo ang sitwasyon ng droga at peace and order, bagay na madalas ipaghambing sa Administrasyong Duterte.
02:37Ayon sa Pangulo, hindi malita po share, kundi mga malalaking dealer ang hinahabol nila.
02:41Hindi rin daw siya pabor sa patayan pagdating sa kampanya kontra droga.
02:46At kahit ano paman daw ang dato sa krimen, ipinag-utosan niya sa pulisya na pahigtingin pa ang police visibility para mapanatag ang loob ng mga mamamayan.
02:56Siguro, dapat nga talaga maging mas babagsik talaga dahil wala eh.
03:03Kailangan talagang maging mas efficient, mas mabilis.
03:07I want to be respected but maybe fear is better.
03:10Aminado naman ng Pangulo na hindi nakuha ng kanyang mga kandidato sa Alyansa ang resultang naisanan nila nitong nagdang eleksyon.
03:18Nagsawa na ang Pilipino sa politika.
03:22Sawan-sawa na sa politika.
03:25Disappointed ang tao sa servisyo ng gobyerno.
03:29Hindi nila nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw ng paggubuo ng mga project na hindi pa nila maramdaman.
03:39Nang maopong Pangulo, masyado rin nilang pinagtuunan ng pansin ang mga malalaking proyektong pangmatagalan pero hindi agad ramdam ng tao.
03:47Tulad ng pangako niyang 20 pesos kada kilong bigas na hinabot ng tatlong taon bago naisa katuparan.
03:54Pagsiguro ng Pangulo, nakikinig ang Administrasyong Marcos sa hinaingat pangangailangan ng mga Pilipino at hinahanapan daw nila ng solusyon ang mga ito.
04:02Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended