Aired (May 18, 2025): Ang kebol na dating kinatatakutan, hinahanap-hanap na ngayon para gawing panlaman-tiyan. Kumusta kaya ang lasa nito? Panoorin ang video.
Hosted by veteran journalists Susan Enriquez, ‘I Juander’ uncovers the truth behind widely-accepted Filipino customs, beliefs, and questions.
Watch 'I Juander' every Sunday, 8:00 PM on GTV. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #iJuanderGTV
Hosted by veteran journalists Susan Enriquez, ‘I Juander’ uncovers the truth behind widely-accepted Filipino customs, beliefs, and questions.
Watch 'I Juander' every Sunday, 8:00 PM on GTV. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #iJuanderGTV
Category
😹
FunTranscript
00:00Pagdating sa lamang dagat, hindi lang naglalakihan o mga pambihirang isda ang naglalangoyan sa ating mga katubigan.
00:08Mapapusod ng karagatan o kahit sa dalampasigan lang, may mapupulot ng mga biyaya ng dagat na pwedeng pagsaluhan sa hapagkainan ni Juan.
00:18Pero, hef hef hef, ingat sa pamumulot ha! Hindi naman lahat ng inihahatid ng alon sa pampang ay ligtas papakin.
00:26Sa mga tulad ni Ernaline na laki sa tabing dagat, seafood is life daw. Maglakad-lakad lang daw sa dalampasigan, eh, makakatisod na ng pangulam.
00:37Bata pa lang po ako, dito na po ako lumaki sa lugar namin. Yung panghuhubasan po ay yun po talaga ang ginagawa namin noong bata pa kami at hanggang sa ngayon na nakapag-asawa na po ako.
00:52Grade 2 pa lang daw si Ernaline, pasabay ng pagkakatuto niyang magbasa at sumulat ang pangingisda.
00:59Ito na po ang kinagisna na hanap buhay ng mga magulang ko at naging hanap buhay na rin namin noong bata pa kami.
01:07Kailangan naming pumunta sa hubasan, mangungha ng mga seashells at saka mga seaweeds para may maibenta at para na din po ay may maibaan sa eskwelahan.
01:19Sa dami raw ng biyayang ibinabahagi sa kanila ng mayamang karagatan, may isang lamang dagat daw na pinangingilagan si Ernaline noon.
01:28Isang uri ng kabibe o shellfish na tahimik pero nasa loob ang kulo, ang kilabot na kebol.
01:35Kabilin-bilinan daw kay Ernaline noon nung bata pa siya, iwasan ng nakalalasong kebol o volute shell.
01:44Sinabi ng mama ko na mag-ingat daw ako sa pagpulot nito dahil may parang karayom daw ito na nanusok at nakakamatay kasi makamandag.
01:56Ang mga kebol shells ay kakaiba naman to kasi sila yung mga lamang dagat na meron silang venom, ika nga.
02:04Meron niyang parang harpoon doon sa kanyang dulo at meron yung isa is yung siphon niya.
02:13So delikado kung kung ano.
02:15Normally ginagamit lang nila yung pang sting ng kanilang prey.
02:20But unfortunately kung mali ang hawak mo, maari kang may sting.
02:25Pero kalaunan ang kebol na kinatatakutan sa kanilang lugar, hinahanap-hanap na ngayon para gawing lamang tiyan.
02:35Ang dati gistabero sa mga kebol na si Ernaline, abay tila eksperto na ngayon sa pangunguhan nito.
02:42Pipit ang kanyang basket, matyaga at maingat na iniipo ni Ernaline ang mga napupulot na kebol.
02:48Ina dahan-dahan ko po siyang kinuha at doon po sa bandang uluhan ko kinuha para sigurado ako na maingat yung pagpuhak ko.
02:58Kapag sinuswerty raw, nakakakuha siya na tinatayang nasa lima hanggang labing apat na piraso ng kebol.
03:07Pagkahuli sa kebol, huwag daw patagalin bago ito linisin at ihanda sa pagluluto.
03:12Baka raw kasi mamatay o mabilasa.
03:13Hello mga kawander! So ngayon ay magluluto tayo ng kibol shell.
03:18So ang gagawin natin na luto nito ay yung luto sa gata.
03:22Sa paglilinis ng kebol, huwag ito basta-basta hahawakan.
03:26Iwasan daw ang tila karayom sa dulong bahagi nito na may taglay na lason.
03:35Pakuluan ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto para lumabas ang natural na alat at lasa ng kebol.
03:41Kapag nakakulo na yung niluluto ko, saka po nilulunod yung tanglad.
03:52Sabay-sabay na isunod ang iba pang rekado tulad ng atsal, luya at dahon na sibuyas, huling ilagay ang gata ng nyog.
03:59Yung ibang kinason po, iba ang lasa ito, parang may tamis siya.
04:18Yung nilulunod niya malaman at saka malambot, masarap kaysa ibang shell.
04:25Ang paghuli at pagkain ng kebol, bahagli na raw ng pamumuhay ng mga taga-sambuanga.
04:31May paalala lang ang mga eksperto.
04:33Dobly ingat kung kakain o manghuhuli ng kebol.
04:36Merong mga cultures na kinakain yung mga kebol or yung cone shells.
04:42At I believe na dapat alamin muna natin kung talagang safe ba siya.
04:49Baka kasi hindi safe yung pagkain mo ng ganitong mga shells at magkaroon ng reaction sa iyo.
04:57So it's better na know muna anong talaga yung mga edible na type at saka yung hindi.
05:05Ang role ng mga kebol is usually sila yung mga janitor din.
05:09Sila yung kumakain ang mga leftovers doon sa mga explore ng katubigan.
05:18Biyaya o banta sa buhay, mainit na pagtatalo yan.
05:22Basta kung kakasa sa mga kakaibang patikim ng karagatan, may kakambal dapat na pag-iingat sa bawat pagkagat.
05:35B importan paikgрод kakiba, may kakuha siya.
05:40Basta kung kakasa sa bawat pagkagen.
05:43Basta kung kakasa sa bawat pagkagi na tak suced daство.
05:47Basta kung chunga ha.