Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/15/2025
Aksyon Laban sa Kahirapan | Convergence programs ng pamahalaan para sa Filipino migrant workers, alamin!

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa pagpapatuloy po ng usapin sa mga aksyon at programa ng mga lokal na pamahalaan,
00:05alamin po natin ang mga hakbang na ginagawa ng Department of Migrant Workers
00:08para labanan po ang kahirapan na kinakaharap ng ating mga kababayan
00:13na nakikipagsapalaran po sa ibang bansa.
00:16Dito po rin sa National Anti-Poverty Commission Action Laban sa Kahirapan.
00:19At makakakwentuhan po natin ngayon dito sa ating programa
00:30si Undersecretary Bernard Olalia,
00:33ang Undersecretary for Licensing and Adjudication Services
00:36sa Department of Migrant Workers upang talakayin po ang mga programang ipinatutupad ng DMW
00:40na nakatoon sa kapakanan ng mga Pilipinong migrante ang magagawa.
00:44Yusek Olalia, nice to see you again. Good morning po.
00:47Welcome to Action Laban sa Kahirapan.
00:48Magandang umaga po, Ma'am Diane, at magandang umaga po sa mga nanonood po sa inyong programa.
00:53Alright. Well, Yusek Olalia, I want to start this conversation by asking you,
00:56ilan na ba yung mga manggagawang Pilipino na nakikipagsapalaran po sa ibang bansa
01:01at saang mga bansa po yung may pinakamaraming tala po ng mga OFWs?
01:05Unang-una po, ang aming departamento, ang Department of Migrant Workers,
01:10ang may mandato para tulungan, protektahan lahat ng mga OFWs natin
01:15at saka itaguyod ang kanilang karapatan.
01:17Pinakamarami po ang ating deployment, yung sinatawag natin na mga OFWs sa Middle East.
01:24Yan ang number one.
01:25Kasi favorite nila yan at napakadami po na mga available jobs na nabanggit kong lugar.
01:32Noong 2023, pumalo po tayo sa mahigit 2.3 million annual deployment natin.
01:38Tumaas po ito noong 2024 na mahigit 2.4 million naman.
01:44Ngayong 2025, maganda po ang tinutungong direksyon ng ating deployment.
01:49Pero hindi po mahalaga yung deployment.
01:50Kami po sa DMW, ang tinitignan namin yung protection na naibibigay natin sa ating OFW,
01:57sa kanilang pag-alis, pag-trabaho doon at pagbabalik.
02:00Yung tinatawag po nating reintegration, napaka-importante po sa amin yan.
02:04Yun pa rin noong parang at the end of their journey abroad,
02:07kung papaano sila rin makakabalik dito sa Pilipinas at makakapiling muli ang kanilang familia.
02:12Dama po. Oo, yun po.
02:14Talking about the protection for the OFWs,
02:16so tell us about the programs of DMW na pinakikinabangan po ng ating mga bagong bayani.
02:22Ya, unang-una ang ating programa tulad ng nabanggit ko kanina,
02:25ay bigyan po ng full protection ng ating OFW.
02:29Kaya sinisiguro po ng departamento namin na lahat ng kanilang pupuntahang bansa
02:34at saka yung mga employers po ay compliance sa ating batas.
02:38Meron po kaming verification process na kung saan yung aming Migrant Workers Office
02:44na pinangungunahan ng aming labor attache ay tinitignan na yung kanilang kontrata,
02:49yung employment contract nila ay tama at wasto sa lahat po ng minimum standards natin.
02:55Yan po yung protection na napaka-importante.
02:57Pangalawa, ang isa pong programa namin na very important din, of course,
03:01ay yung tinatawag namin action fund.
03:04Yung agarang kalinga at saklolo para sa aming mga OFWs.
03:09Ito yung binibigyan natin ng lahat ng klase ng financial assistance,
03:13legal assistance, medical assistance, at repatriation assistance.
03:17Lahat ng mga OFWs natin.
03:20Ang ating government ay nagbigay ng 1.4 billion na budget natin na ginagamit natin at ginuguhol natin para sa ating OFWs.
03:30Pangalawang, napaka-importante po, yung pong reintegration program na kung tawagin.
03:34Ito po ay isang full cycle reintegration na nagsisimula pa lamang bago umalis ang ating OFW.
03:41Tinuturoan natin sila ng tinatawag na financial literacy at lahat po ng mga kapik-kapikinabang na programa ay kasama po natin yung mga iba't ibang government.
03:51Maliban po doon, meron po tayong programa para sa anti-illegal recruitment at trafficking in persons kasi talabak po ngayon yung naganap na IR, illegal recruitment at trafficking
04:05at pinaka-importante po na maiwasan lahat ng mga nagnanais magtrabaho at papunta ng APRO.
04:11Now, I want to touch again on reintegration.
04:13Kapag naisipan po ng ating kababayan na bumalik na dito sa Pilipinas, how can DMW help?
04:19And actually, yung mga katuwang niyo rin pong mga ahensya para mabigyan sila ng muling kanilang kabuhayan, siguro source of livelihood, para makapagsimula pong muli dito sa ating bansa.
04:28Opo, yung pong reintegration natin ay full cycle tulad ng nabanggit ko kanina na nag-uumpisa pa lang bago pa lang sila umalis.
04:35At katuwang po natin yung iba't ibang ahensya, tama po kayo doon, it's a whole of government approach.
04:41Halimbawa, sa isang OFW natin na umalis bilang isang domestic worker, ayaw na natin siyang umalis na ganun din.
04:49So, ang unang programa dyan, upskilling.
04:51Kailangan itaas natin yung antas ng kanyang kakayahan at yung kanyang competence para na sa ganun.
04:57Halimbawa, caregiver na siya, hindi na siya domestic worker.
05:00Doon naman sa natapos na nagtrabaho at ayaw na bumalik sa ibang bansa,
05:05abay marami po tayong programang maitutulong dyan.
05:07Pwede natin siyang i-refer sa iba't ibang ahensya para makakuha siya ng isang magandang trabaho rito.
05:13Nandyan po katuwang natin ang Department of Labor and Employment, ang TESDA, ang DILG, ang DOH,
05:19para mabigyan siya ng proper training at makakuha siya ng employee dito sa ating bansa.
05:25Okay, nakakatawa na nagtutulong-tulungan talaga ang iba't ibang ahensya ng gobyerno para sa programang yan.
05:31Now, I want to touch naman on the issue of illegal recruitment.
05:33Sino-sino naman po, ano-anong ahensya ang katuwang po ninyo para masiguro po nga hindi po magiging biktima ng illegal recruitment ng ating mga kababayan?
05:42Hindi po kaya ng Department of Migrant Workers na labanan ang illegal recruitment at human trafficking na nag-iisa.
05:49Kaya ang bilin po ng ating mahal na presidente, palagi pong whole of government approachan.
05:55Kasama po natin sa laban na ito, halimbawa ang DOJ, ang Department of Justice.
06:00Kasama rin po natin ang DFA o Department of Foreign Affairs.
06:04Maski po ang DILG ay kasama natin, ang mga NBI at mga police authorities, iba't ibang bansa ay kasama po natin.
06:13Meron nga po kaming sinusog po ngayon na napakalaking sindikato, no?
06:18Pero bagamat maraming challenges.
06:20Halimbawa, yung mga umaalis nating OFWs na nagpupunta sa, babanggitin ko na, yung Laos, Cambodia at Myanmar kasi marami pong naging biktima dyan, ano?
06:30Nako, may at maya ay tayo ay nagri-repatration dahil sa sila po ay inaabuso, meron pong tinatawag na contractual violations, pinahihirapan at sa halit sa among problema po ang hinaharap nila, no?
06:44Pero maliban po doon, yung preventive approach ay importante rin, no?
06:49So, dito po sa ating preventive approach, yung information dissemination, napakalawak po ng ating ginagawa.
06:55May mga convergence programs tayo sa LGUs at sa iba't ibang mga ahensya.
07:00At meron kaming tinatawag na surveillance, no?
07:03Itong surveillance namin, it's both physical and online.
07:06Yung online po, ang importante sa ngayon dahil karamihan ng illegal recruitment at trafficking activities ay nangyayari sa platform na digital.
07:16So, kinakailangan, nandoon din po kami.
07:18So, nag-take down kami ng mga nakikita namin na FB posts, TikTok posts, na nagsasabi ng may trabaho sa ganitong bansa, pero upon verification, makikita mo, wala naman trabaho po.
07:29So, yan, mahigit 80,000 na yung na-take down namin mula sa mga iligal na posts ng FB or TikTok na kung saan itong mga illegal recruiters ay napakalaw.
07:40So, we see the preventive approach na napakahalaga rin po.
07:43Siguro, I would like to take this opportunity also, Yusik Olalia, sa mga manonood nating OFW, ano?
07:48If ever they are experiencing problems now and they want to connect with DMW, ano po yung mga means na pwede po nila nga tahakin or gawin para po makipag-ugnayan po sa DMW?
07:59Yeah, tama po kayo kasi yung tinatawag naming social dialogue at continuous consultation sa lahat ng stakeholders ay napaka-importante.
08:10Meron kaming mga aktibong land-based programs at stakeholders at saka C-based, no?
08:16Kung nais pong makipag-ugnayan ng iba't ibang mga ahensya at mga tao po sa amin,
08:22nandyan po lang kami sa aming una-una, sa aming main office, central office, dito po sa Mandaluyong,
08:27at meron din kaming 16 regional offices nationwide, no?
08:31At hindi lang po domestic offices ang meron kami, meron din kaming tinatawag na overseas offices,
08:39yung aming migrant workers offices sa iba't ibang lugar na kung saan marami pong OFWs.
08:45Kami po ay willing na makiharap at makipag-usap sa lahat po ng nangangailangan,
08:51lalong-lalong na sa nais tumulong po sa ating mga OFWs.
08:54Okay. Papanghuli na lamang po ang mensahe po ninyo sa ating mga itinuturing na mga bagong bayani.
08:59And also lastly, gaano kahalaga po yung convergence to implement all these programs para sa kapanganan po ng mga OFWs?
09:05Go ahead, sir.
09:05Sa ngalan po ng ating mahal na presidente at sa aming po sekretary ng Department of Migrant Workers,
09:11si Secretary Hans, kami po sa DMW ay nananawagan, lalong-lalo na sa mga nagnanais magtrabaho sa abroad,
09:18na iwasan po na maging biktima ng illegal recruitment at human trafficking.
09:24Napakahalaga ng buhay, lahat po ng resources.
09:27Alam namin ang pinanggagalingan ng isang OFW na gumagastos, nagsasangla,
09:32pero nagiging biktima kapag po hindi tama yung direksyon na tinutungo.
09:36Yung whole of government approach na binabanggit natin,
09:39katuang po natin ang lahat ng ahensya na tumutulong po ayon po sa utos at direksyon ng ating mahal na panguha.
09:46O, maraming salamat po ha sa magbahagi po ng mga programa ng DMW,
09:51Yusek Bernard Olalia.
09:53At may inyo nabanggit ano, yung hangarin kasi ng ating mga OFW yung maganda para sa kanilang pilya,
09:58pero iwasan po natin maging biktima ng illegal recruitment.
10:01Dahil mahirap makipagsabalan abroad.
10:03And good thing, our government agency sa pangumuna rin ng DMW ay nariyan para kayo po ay gabayan.
10:08Thank you again, Yusek.
10:09At sa ating mga manunood, patuloy po natin yung supportahan ang kanilang programa.
10:14At samahan niyo po kami, Yusek Olalia, samahan niyo po ako at sabay-sabay tayong umaksyon laban sa kahirapan.

Recommended