00:00Samantala, kailangang idaan sa TOSCOIN ang iupo sa number one spot ng pagkakonsihal sa bayan ng Solano sa Nueva Vizcaya.
00:09Tumabla kasi ang dalawang kandidato dahil nakakuha sila ng parehong bilang ng mga boto.
00:15Yan ang ulat ni Ben Moses Ebreo.
00:19Sa pambihirang sitwasyon, ay nagkaroon ng TOSCOIN sa pagitan ng dalawang kandidato sa pagkakonsihal sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.
00:28Matapos makakuha ng parehong boto pagkatapos ang inaabangang bilangan nitong nakaraang halalan.
00:34Base sa resulta ng bilangan, parehong nakakuha ng 13,451 na boto si na Dave Thomas Santos at Doc Clifford Tito.
00:42Parehong baguito sa politika.
00:44Sa harap ng Municipal Board of Convassers at sa kanilang mga taga-suporta, isinagawa ang TOSCOIN kung saan ang nanalo ay si Santos.
00:52Nagpapasalamat ako sa lahat ng Solanoan na kahit naging ganun, kahit hindi naging malawak yung exposure ko sa tao, talagang nakita nyo, pinagkatiwalaan nyo, minahal nyo,
01:05ang Senior Municipal Counselor Elect na si Dave Santos kahit na pa kung ano man yung naging estado ko during the campaign period.
01:14Tanggap naman ni Tito ang resulta at wala namang naging isyo sa kanya ang pagtabla ng kanilang boto.
01:21Ayon sa dalawa na ngayon ay magkaibigan na, pareho silang maninilbihan sa bayan at nangakong magkaagapay sa paggawa ng mga ordinansa at programa
01:30para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Solano.
01:34Nagpasalamat din ang dalawang counselor-elect sa kanilang mga naging taga-suporta nung halalan,
01:40lalo ng mga kabataan na siya nilang naging sandigan sa kanilang hangaring maglingkod sa bayan.
01:46Mula sa PIA Nueva Biscaya, Ben Moisebreo, Balitang Pambansa.