00:00Tiniyak ng Malacanang na handa na ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para sa Hatol ng Bayan 2025 sa Lunes.
00:07Wala naman daw nakikita problema ang palasyo sa pagkakaroon ng International Observers sa paparating na halalan si Kenneth Pasyente ng PTV sa Balitang Pambansa.
00:20Maging mapagmatsyag, yan ang paalala ng Malacanang limang araw bago ang Hatol ng Bayan 2025.
00:27Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, asahan na raw ang pagkalat pa ng mga maling balita ngayong election season para siraan ang pamahalaan.
00:37Kaya panghihikayat nito sa mga butante, maging maingat sa mga paniniwalaang impormasyon online.
00:43Pinaalalahanan din niya ang publiko na huwag ibenta ang dignidad o isaalang-alang ang bansa para sa interes ng iba.
00:50Huwag niyo pong ibenta ang inyong dignidad. Huwag ibenta ang bansa sa ibang mga bansa na maaaring may interes dito sa ating teritoryo, sa ating soberenya.
01:07I-giniit din ang palasyo na dapat maging mapanuri sa mga ibinabahaging posts na tanging layunin ay siraan ang pamahalaan.
01:15Bukas saan niya ang gobyerno sa mga puna, pero dapat ay base ito sa mga ebidensya at may basihan.
01:20Ang pintuan po ng pamahalaan ay hindi naman po hahadlangan ang anumang mga kritisismo hanggat mayroon pong basihan.
01:30Ang ingatan lang po natin ay ang mga fake news peddlers.
01:35Labanan po natin ang fake news para kayo po ay magkaroon na magandang desisyon sa Mayo a 12.
01:43Wala naman daw nakikitang problema ang palasyo sa pagkakaroon ng international observers sa paparating na halalan.
01:49Nasa bansa ngayon ang United Nations Election Observers Team na kinabibilangan na ngayon ng nasa 226 na miyembro na ide-deploy sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong eleksyon.
02:00Kung may mga kumbidado po na neutral at wala naman pong pamumulitika, mas maganda pong makapag-obserba sila para makita po nila na ang eleksyon sa Pilipinas ay malinis
02:14at para din po maiwasan kung ano man po ang mga aaring dayaang mangyari.
02:19Tiniyak naman ng palasyo na handa na ang mga kinaukulang ahensya ng gobyerno para sa araw ng butohan sa lunes.
02:25Katunayan, itinatag na ang DepEd Election Task Force para sa real-time monitoring sa buong bansa.
02:31Plansyado na rin ang partnership ng DepEd sa Comelec, AFP at PNP para tiyakin ang siguridad, legal at medikal na tulong para sa mga guro sa halalan.
02:40At ang sabi po ni Secretary Anggara, sa araw ng halalan, kasama ng mga guro at kawani ang buong pwersa ng pamahalaan,
02:50bantay, alalay at proteksyon ang hatid sa ating mga guro ng bayan.