00:00Marami na makapag-apply at makakakuha ng trabaho sa gobyerno ang mga nagsipagtapos ng K-12 Basic Education Program.
00:09Ayon sa Malacanang, kasunod ito ng pag-amienda ng Civil Service Commission sa mga kwalifikasyon at standards na mga nais mag-apply bilang kawani ng pamahalaan.
00:19Sa ilalim ng CSC Resolution No. 2500229, pasok na sa minimum requirement ng gobyerno ang mga nagsipagtapos ng Grade 10 o Junior High School at Grade 12 o Senior High School sa ilalim ng K-12 Program.
00:33Kasama rin ng mga nakukumpleto o nakakumpleto ng Technical Vocational Course at may Test the National Certification Level No. 2.
00:42Maaari silang matanggap sa mga first level na pwesto sa mga ahensya at tanggapan ng pamahalaan tulad ng clerical, custodial at subprofessional na posisyon.
00:53Mga trabaho na hindi na kinakailangan ng college degree at lisensya.
01:00Layunin ng pagbabagong ito na bigyandaan ang mas maraming kabataan na makapasok sa servisyo publiko bilang tugon sa reforma ng K-12.
01:10Paalala ng CSC, bukod sa educational requirement, kailangan pa rin tugunin o tugunan ng mga kaplikante ang iba pang requirements gaya ng mga relevant training, experience at civil service eligibility.