Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/14/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Arestado ang dalawang lalaki sa Marikina dahil umano sa pagbibenta ng iligal na droga.
00:05Todo tanggi ang mga suspect na dati nang nakulong sa parehong asunto.
00:09Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez, exclusive.
00:16Gabi nitong May 12, araw ng eleksyon, sinugod ng mga operatiba ng Marikina Police
00:22ang isang madilim na bahay na ito sa barangay Fortune.
00:25Dito nila na-corner ang dalawang lalaking tulak umano ng iligal na droga.
00:31Ito po ang ating mga suspect ay kabilang po sa Unified Watch List ng PNP at PIDEA, listed po as a high value individual.
00:40Nakumpis ka ng pulisya mula sa mga suspect ang walong pakete ng umano'y shabu
00:45na tumitimbang ng humigit kumulang 85 grams at nagkakahalaga ng 578,000 pesos.
00:52Sa anti-Polo Rizal daw nang gagaling ang supply ng droga ng mga high value target ayon sa pulisya.
00:59Matagal na po itong talagang minamatsyagan at nagsasagawa ng surveillance yung ating mga operatiba sa ating dalawang suspect.
01:07At isa po rito ay residente po ng Marikina at isa po rito ay residente po ng San Mateo Rizal.
01:16Itinanggi na mga naaresto na nagbebenta sila ng iligal na droga.
01:19Di rin daw sila magkakilala.
01:22Itananim lang po sa akin yun. Wala po kong alam dun.
01:25Hindi po ako nagbebenta niyan. Magamit lang po ako niyan.
01:28Hindi po ako nagbebenta ng droga. Hindi ko po hawak yun. Hindi ko po sa akin nakuha yun ma'am.
01:32Sa records ng pulisya, dati nang nakulong si Alias Bordek sa San Mateo Rizal noong 2022 dahil sa droga.
01:40Gayun din si Alias Enggol sa Marikina noong 2021 sa parehong kaso.
01:44Maharap ang mga suspect sa panibagong kaso ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
01:56EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended