Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/13/2025
Kasama ba kayo sa mga nagtaka kung bakit at paanong ang ilang tumakbong senador na bihirang umangat sa "magic 12" sa mga survey ay liyamado ngayon, habang ang ibang dating pasok sa survey, laglag sa bilangan? Ang paliwanag ng mga eksperto, sa report ni Ivan Mayrina.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kasama ba kayo sa mga nagtaka kung bakit at paanong ang ilang tumakbong senador na bihirang umangat sa Magic 12 sa mga survey ay yamado ngayon,
00:09habang ibang dating pasok sa survey, laglag sa bilangan?
00:13Ang paliwanag ng mga eksperto sa report ni Ivan Mayrina.
00:19Kung titignan ang top 12 sa partial unofficial results sa karera para sa pagkasenador,
00:24may mga pangalang malaki ang itinaas o ibinaba sa mga ipinakita ng mga nagdaang survey.
00:30Mismo mga survey firm na gulat sa talon ng ranking halimbawa ni dating senador Bam Aquino na pangalawa ngayon sa partial unofficial count
00:37pero wala o halos pasok lang sa Magic 12 batay sa pinakahuling survey ng SWS, Pulse Asia at Octa Research.
00:45Gayun din si dating senador Kiko Pangilinan na panglima sa ngayon kumpara sa ranking sa mga survey na isinagawa ngayong Mayo lang
00:51o dulong bahagi ng Abril na minsan ay hindi pa pasok sa top 12.
00:55Sa bawat survey na isinasagawa ng social weather stations at Octa Research,
01:00laging na riyan ang mga katagang kung ngayon gaganapin ang eleksyon.
01:05Ang mga sagot kasi ng mga sinasurvey, maaring magbago sa mismong mutohan.
01:09Marami rin ang hindi pa desidido noong araw ng survey.
01:12We have data to show that 20% of our voting population will only decide on the day of election.
01:18And then another 20%, close to 20%, 18% will decide the week before the election.
01:26Meron din namang mataas sa survey pero bumulusok palabas ng Magic 12.
01:31Tulad din na Ben Tulfo, Senador Bong Revilla at mga timayor Abibinay
01:35na noong pasimula ang kampanya ay pirming nasa top 5 pero hanggang kanina ay nasa labas ng Magic 12.
01:40Base yan sa pinakahuling resulta mula sa mahigit 80% ng mga votong lumalabas sa Comelec Media Server
01:46sa oras na isinulat ang report na ito.
01:49There were some surprises no?
01:51For example, we didn't expect Abibinay or Bong Revilla to be where they are now in terms of the numbers.
02:00May margin of error lagi ang survey.
02:02Hindi siya perfecto, hindi rin siya crystal ball.
02:04So dun sa margin of error makikita nyo dikit-dikit talaga eh.
02:07Maaaring din naka-apekto ang mga nangyari mula ng huli silang mag-survey.
02:12Si Congressman Rodante Marcoleta, malaki ang iniangat sa ikaanin na pwesto.
02:16Kabilang sa mga maaaring nakatulong sa kanya,
02:19ang suporta ng mga Duterte at gayon din ang Iglesia Ni Cristo na kinabibilangan niya.
02:24Ang paglalabas sa endorsement ng INC, hindi rin pasok sa survey period.
02:28From experience, yung Iglesia Ni Cristo, talagang solid yun.
02:32By solid, I mean 80%.
02:34Not 100, not 80%.
02:37My feeling always has been doon.
02:41But kukunti lang sila.
02:43Mga 5% lang ang mga Iglesia Ni Cristo voters.
02:47So I haven't seen yet that that could change the standing so much.
02:52Let us see.
02:53Anyway, hindi pwedeng Iglesia lang.
02:56Lumabas din kamakailan ang endorsement kay Marcoleta ni Vice President Sara Duterte.
03:01In-endorse rin ang bise si Camille Villar at Jaime Marcos
03:04at inampuan ang PDP laban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
03:08Si Pangilina nakakuha rin ang endorsement sa ilang local politician
03:11mula Cebu at Cavite, dalawang vote-rich provinces.
03:15Ang resulta ng eleksyon ngayon, marahil isang importanteng paalala sa lahat
03:19na walang kasiguraduhan ang pagkapanalo
03:21kung ibabatay lamang sa survey results
03:23dahil magpapanalo sa kandidato
03:25ay ang mga butante
03:27at kung sino sa tingin nila
03:28ang karapat-dapat na maupo sa pwesto.
03:32Ivan Mayrina nagbabalita
03:33para sa GMA Integrated News.
03:53Pag.com

Recommended