Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Saksa na mga kapuso, naiproklama na ang lahat ng nanalong alkalde sa 16 na lungsod at nag-iisang bayan sa Metro Manila.
00:08Huling iprinoklama si Isco Moreno na papalitan, ang dating running mate at kalaunay nakatunggali sa paggamayon ng Maynila na si Honey Lacuna.
00:18Saksi, si Mariz Umali.
00:20Matapos makakuha ng 530,825 na boto mula sa 1,584 cluster precincts, naiproklama na bilang susunod na alkalde na Maynila si Isco Moreno.
00:34Ayon sa City Board of Canvassers ay inaprubahan na ang mosyon ng kampo ni Moreno na ibabang threshold for proclamation dahil malayo ng agwat ng kanyang boto kay incumbent mayor Honey Lacuna.
00:45Buong kababaang loob nating tinatanggap ang kapasyahan ng higit na nakararami sa atin.
00:53Maraming salamat sa pagbibigay ninyo ng pagkakataon na ako'y maging kauna-unahang babaeng punong lungsod sa kasaysayan ng Maynila.
01:03Una ko na muna ang panawagan sa ating mga mamamayan.
01:08Tapos na po ang eleksyon, yung mga nagkontrapartido, magkatapat ng ilog.
01:15Magbati-bati na po kayo na po tayo mag-iwaiwalay.
01:19At the end of the day, tayo-tayo rin ang magkikita sa finals.
01:24Nanawagan siya ng paghilom, matapos siyang maiproklama.
01:27Ipinroklama namang Vice Mayor si Chi Atienza.
01:33Muling maupo bilang alkalde ng Pasig sa ikatlo at huling termino si incumbent mayor Vico Soto.
01:39Panalo rin ang running mate niya si incumbent Vice Mayor Dodot Jaworski at iba pang kasama sa giting ng Pasig Slate.
01:46Naipakita po natin na ang tao ayaw na sa tradisyonal na politika, ayaw na sa siklo ng korupsyon at maduming politika, ayaw na ng mga lumang kalakaran.
01:58Sa susunod na tatlong taon, pagtitibayin daw niya ang mga nasimulang pagbabago sa Pasig.
02:03May balak ba siyang tumakbo sa national position pagkatapos ng kanyang termino?
02:07Wala po akong balak. Sana hayaan din po ako ng mga tao na magtrabaho at hindi yung lagi po akong pinipressure o mag-isip ng kung ano-ano.
02:21Importante, magtrabaho po tayo everyday. Let's take it one day at a time. Let's do the best where we are right now. Focus po tayo.
02:29Wala pa rin daw sa isip na incumbent Quezon City Mayor Joy Belmonte kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon matapos niyang manalo sa ikatlong termino na iproklama na siya kanina at ang kanyang running mate na si Gian Soto.
02:41I-pagpapatuloy po natin ang pagsulong ng good governance sa ating lungsod. Mapalawak pa ang serbisyo para sa ating mga mamamayan.
02:49Huling termino na rin ipasay si TMI Calixto Rubiano.
02:52Sa aking mga kababayan, yung tiwalang binigay nila sa akin mula noon hanggang ngayon ay talagang pinaka-iingatan ko.
03:00At ito po ay sinusukliang ko ng tapat at higit pa sa sapat ng pagdilip.
03:06Ang pamangkin niyang si Mark Calixto ang nanalong vice mayor ng lungsod.
03:11Patuloy na yung magsisilbing alkalde ng San Juan si incumbent mayor Francis Zamora na nasa ikatlo na niyang termino.
03:17Panalo rin si incumbent vice mayor AAA Agcawili.
03:21Magpapalita naman sa pwesto ang mag-inang Aguilar sa Las Piñas.
03:25Unang termino sa pagka-alkalde ni incumbent vice mayor April Aguilar habang vice-alkalde ang ina niyang si incumbent mayor Imelda Aguilar.
03:32Maraming maraming salamat sa inyo. Sabi ko nga po isang tabi na natin yung politika.
03:37Magsama-sama tayo, magtulungan tayo para sa ikauulad na Las Piñas.
03:42Ang konsihala si Mark Anthony Santos ang ipinroklamang panalo sa pagka-kongresista.
03:47Tinalo niya ang tatlong katunggali kabilang na si Senadora Cynthia Villar.
03:52David and Gulayat. Pero kalimutan na natin yun kasi it's time to move on.
03:57Tapos na ang eleksyon, trabaho na at kailangan sipagan pa natin.
04:07Sa Makati City, ipinroklamang al-alkalde sa incumbent Senator Nancy Binay,
04:12kapatid ni Senatorial Candidate at incumbent Makati Mayor Abby Binay.
04:17Tinalo niya ang asawa ni Abby na si incumbent Makati 2nd District Representative Luis Campos.
04:22Hindi changes eh. It's more of enhancement. Yung mga programa na nasimulan ng daddy ko, na tinuloy din naman ng mga kapatid ko, including Mayora Abby.
04:32Ipinrok naman na rin Vice Mayor si Makati Representative Kid Peña.
04:37Naiproklaman na rin bilang al-alkalde ng Marikina si 1st District Representative Marjorie Ann Maan Teodoro.
04:43Papalitan niya ang asawa si outgoing Mayor Marcy Teodoro na nangunguna sa bilangan sa pagka-kongresista ng 1st District ng Lungsod.
04:50Sinuspin din ang Comelec ang proklamasyon kay Marcy Teodoro dahil wala pang resolusyon sa inihaing reklamo laban sa kanya.
04:57Umapila naman si Teodoro sa Comelec na irespetoan niya ang boses ng mga botante at ituloy ang proklamasyon.
05:03Muli namang manunungkulan sa ikalawang terminong si Kaloocan City Mayor Along Malapitan.
05:08Tinalo niya si dating Senador Antonio Trillanes IV.
05:10Masaya tayo na na-appreciate ng mga taga-Kaloocan yung mga ginawa natin nung ating 1st Term.
05:19So sabi ko nga pagpapatuloy natin yung mga ginawa natin.
05:24Ang ama ni Along na si Congressman Oscar Malapitan,
05:27Waghi bilang 1st District Representative.
05:30Labing walong taon nang hawak ng mga malapitan ang naturang posisyon.
05:34Waghi rin si Vice Mayor Karina Te.
05:37Muli rin mauupo bilang Malabon Mayor si Jeannie Sandoval.
05:39Ito po'y tudyat na ako po'y lalong magbibigay ng mas maigting, mas maalab at mas dedikadong servisyo publiko.
05:55Si Edward Nolasco naman ang nanalong Vice Mayor.
05:58Second term na rin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.
06:02Ipinrok lamang Vice Mayor ang running mate niyang si Arvin Ian Alit.
06:05Re-electionist at lone candidate naman si Wes Gatchalian na Alkalde ng Valenzuela.
06:10Habang si Valenzuela District 1 City Councilor Marlon Alejandrino ang Vice Mayor.
06:15Lone candidate rin ang muling nahalal na Alkalde ng Montinlupa na si Rufy Biazon.
06:20Vice Mayor si Fanny Tevez.
06:22Pareho rin unopposed ang nanalong Mayor ng Navotas na si John Ray Tianco at Vice Mayor na si Tito Sanchez.
06:28An-oposed din si Mandaluyong Incomment Vice Mayor Menchi Abalos na ipinrok lamang Alkalde ng Lungsod.
06:34Gayun din ang tumakbong Vice Mayor na si Anthony Suva.
06:38Sa Paranaque, si 1st District Representative Edwin Olivares ang nanalong Alkalde.
06:43Ipinrok lamang Alkalde ng patero si Gerald Herman.
06:46Habang si Carlos Santos ang ipinrok lamang Vice Mayor.
06:49Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang inyong Saksi.
06:53Mga kapuso, maging una sa Saksi.
06:58Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.