Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tiniyak po ng Justice Department na paprotektahan nila ang mga Pilipinong tetestigo sa ICC
00:05para sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaunay po sa War on Drugs.
00:10At ang grupo naman ng mga biktima, inihain po sa ICC ang kanilang pagtutol sa hiling na interim release ng dating Pangulong.
00:19Saksi, si Oscar Oida.
00:21Hindi napigilang maging emosyonal ang ilang kaanak ng umuling mga biktima ng extrajudicial killings
00:31habang inihimlay ang mga abo ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay
00:34sa dambaran ng paghilom sa Laloma Catholic Cemetery sa Caloocan City kanina.
00:40Layo ng paghilom program ang patuloy na pag-alala sa mga nasawi sa kampanya kontra-droga ng nakaraang administrasyon
00:47kasabay ng pananalangin na huwag na itong maulit kanino man.
00:51Proseso ito ng regular na tao, normal na tao na ipinagkait sa kanila.
00:58Ngayon, dahil tinagurian natin yung mga sarili natin na tagapanghilom,
01:05kinakailangan patuloy natin ito ihandog sa kanila.
01:07Ito na ang ikalimang inurnment ceremony para sa mga biktima ng IJK.
01:13Nangyari ito isang araw matapos ihain ang grupo ng mga biktima
01:16ng drug war ng Duterte Administration sa International Criminal Court o ICC
01:20ang kanilang pagtutol sa hinihingi interim release ni Duterte.
01:25Sakaling pagbigyan daw kasi si Duterte.
01:27Matatakot muli ang mga testigo at kamag-alak ng mga biktima
01:30dahil sa posibleng kaharaping banta mula kay Duterte at kanyang mga taga-suporta.
01:36Mangangamba rin daw ang mga testigo at pamilya sa siguridad nila,
01:40lalo pat malalim pa raw ang influensya mong politikal ng pamilya Duterte
01:45at may akses daw si Duterte sa malaking bahagi ng mga ebidensya
01:49kaya pwedeng mangialam sa kaso.
01:52Dahil may pera, maraming kakilala raw si Duterte at kinikwestiyon daw nito
01:56ang pagka-aresto sa kanya, isang flightless daw ang dating Pangulo.
02:01Sinusubukan ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng depensa
02:04pero sinabi na kahapon ni Vice President Sara Duterte
02:07na walang ginawa ang kanyang ama sa mga testigo ng kaso.
02:11Ayon kay Justice Sekretary Jesus Crispin Remulia,
02:15noong buwan pa ng Mayo, kausap na ng ICC
02:17ang Witness Protection Program ng DOJ
02:20upang hingin ang tulong ng gobyerno
02:22para protektahan ang mga Pinoy na testigo.
02:25We're working as government, protecting people.
02:29The government has to protect people.
02:31Whether they're witnesses for the ICC or the general populace,
02:34we're trying to protect the people.
02:35Tatlo hanggang apat na Pinoy ang pinag-uusapang tetestigo
02:39kay Duterte na kailangan daw proteksyonan
02:42pero inaasahang dadami pa yan.
02:45Ang basta tanong, we will protect the witnesses.
02:48Whatever it takes to protect the witnesses, we will do it.
02:50Because the prosecution will rely on this witness to protect us.
02:56Bagamat nag-withdraw ang Pilipinas sa ICC,
02:59ang kooperasyon ng Witness Protection Program
03:01hindi raw taliwas sa naunang posisyon ng gobyerno
03:04na hindi na tayo miyembro ng ICC.
03:07International Tribunal yan.
03:08And sabi ko nga, 95-81,
03:12we already chose not to pursue the cases
03:15and let the ICC pursue these cases.
03:17Given that, it becomes also our obligation
03:20to help them because we are giving up our jurisdiction
03:24for their jurisdiction.
03:26Para sa GMA Integrated News,
03:28ako si Oscar Hoy ng inyong Saksi!
03:30Mga kapuso, maging una sa Saksi!
03:34Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
03:37para sa ibat-ibang balita.

Recommended