00:00Matapos ang hatol ng Bayan 2025, nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng Pilipinong lumahok dito.
00:09Itinuring niyang tagumpay para sa demokrasya ang maayos at mapayapang pagdaraos ng eleksyon na nagpapakita ng kaayusan, karangalan at pagkakaisa ng sambayanan.
00:19Binigyan din ang Pangulo na ang naging resulta ng halalan ay sumisungulo sa kagustuhan ng taong bayan na mamuno ang mga opisyal na may malasakit at handang tumugon sa mga pangunahing sulirani ng bansa.
00:32Gaya ng inflation, kawalan ng trabaho, katiwalian at iba pang pasani ng ordinaryong Pilipino.
00:39Nagpasalamat din siya sa mga sumusuporta sa mga pambato ng administrasyon sa ilalim ng Alianza para sa Bagong Pilipinas.
00:47Bagamat hindi lahat ng kandidato nito ay nanalo, tiniyak ng Pangulo na magpapatuloy ang kanilang adhikain at misyon para sa pagbabago.
00:56Nanawagan din si President Marcos Jr. ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga bagong halal na opisyal, anumang partido o koalisyon ang kanilang kinabibilangan.
01:06Ayon sa kanya, ang pamamahala ay isang kolektibong pananagutan na dapat pagtuunan ng iisa at tapat na layunin, ang kapakanan ng nakararaming.