00:00At sa punto pong ito, ating pong talakay ng update patungkol sa mga aktividad ng kasalukuyang administrasyon dito lang sa Mr. President on the Go.
00:23Una nga po dyan mga kababayan, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nanawagan sa mga Pilipino na isulong ang demokrasya at gamitin ang karapatang makaboto.
00:34Nitong linggo, isang araw bago ang araw ng halalan, ay sinabi po ng ating Pangulo na isang pagkakataon ng eleksyon para marinig ang boses ng bawat isa at maipahayag ang mga pangarap na mahalaga sa bawat isa at sa bayan.
00:48Iba-iba naman, Anya, ang ating paniniwala, yan ang diwa ng demokrasya.
00:53Pero, ang pagkakaiba ng opinion ay hindi dapat Anya mauwi sa gulo o pananakot.
00:59Ipinaglalapan natin ang kinabukasan sa balota, hindi sa lansangan, hindi Anya sa karakasan.
01:06Panawagan pa po ng Pangulong Marcos Jr. sa mga kandidato na igalang ang proseso, tapusin ang halalan ng may dangal at katahimikan.
01:15Lahat Anya ay magtulungan upang mapanatili ang isang maayos, mapayapa at makatarungang halalan.
01:21Samantala, bumoto rin po si Pangulong Marcos Jr. at ang kanyang pamilya sa Ilocos kahapon.
01:26Anya bilang mga mamamayan, tungkulin natin makilahok sa eleksyon at iyaking ito'y tapat.
01:32Sama-sama, Anya nating pangalagaan ang demokrasya ng ating mahal na bayan.
01:38At yan po muna ang update sa akibidad ng Pangulo hanggang sa susunod ng Mr. President on the go.