Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2025
Muntik namang magka-stampede sa isang voting center sa Maguindanao del Sur. Sa hiwalay na bayan sa parehong probinsya ay may nahulihan naman ng granada.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muntik namang magka-stampid sa isang voting center sa Maguindanao del Sur.
00:05Sa hiwalay na bayan sa parehong probinsya, may nahulihan naman ng Granada.
00:10Mula roon, nakatutok live si June Veneracion.
00:13June!
00:17Vicky, kaawaawa ang sinapit ng ilang nakatatanda at buntis
00:22ng maipit sila sa tulokan ng mga gustong maangang makapasok
00:25dito sa voting center ng Dato Pindililang Piang Elementary School
00:31dito sa probinsya ng Maguindanao del Sur.
00:37Pasado ala 6 pa lang ng umaga, nakapila na sa labas ng gate
00:40ng Dato Pindililang Piang Elementary School sa Dato Saudi
00:44ang patuan Maguindanao del Sur, ang ilang senior, PWD at buntis para sa early voting.
00:50Pero hindi agad sila pinapasok sa paaralan.
00:52Dahil sa sinasabing safety protocol ng mga pulis at sundalo,
00:57ginawang by batch ang pagpasok ng mga butante.
01:00Kaya ang vulnerable sector na pumila ng maaga,
01:02inabutan na ng regular voting hours na alas 7.
01:06Ang problema pa, ang entrance gate ang sharing exit area
01:09na mga tapos ng bumoto.
01:15Kaya naipit sa bakal na gate ang mga matatanda at buntis
01:19na dapat sanay pinapasok na agad para sa early voting
01:22mula 5 a.m. hanggang 7 a.m.
01:24Papasukin kami.
01:28Nahihirapan kami dito sa labas.
01:31Kanina kami dito.
01:32Itinawag namin sa provincial election supervisor
01:34ng Maguindanao del Sur ang problema.
01:37Agad siyang umaksyon at pinapunta sa voting center
01:39ang kanyang tauhan.
01:40Inilapit din ito ng GMA Integrated News
01:42kay Comelec Chairman George Erwin Garcia.
01:44Matapos ang anunsyong niya ng Comelec,
01:46Muntik magkastampid ng buksa ng isang gate.
01:59Ako, eto na nga ba?
02:02Naipit sa tulakan ng ilang nakatanda.
02:08At may nahilo.
02:09Bigyan niyo lang po ng espasyo para makahinga siya.
02:17Opo, opo.
02:17Bigyan niyo lang po ng espasyo.
02:19May medic doon.
02:20May medic doon.
02:21Sir, baka pwedeng tawagin yung medic ng army doon.
02:24Meron dito may problema.
02:25May medic po po doon.
02:26Depensa ng municipal election officer.
02:29Kailangang salain ang mga security forces sa mga butante
02:32para di magkagulo sa voting center.
02:34For the information of everyone, last Barangay and Eske elections,
02:39nagkagulo na rin po kasi dito sa voting center na ito.
02:42So, yung mga security personnel po na yan,
02:45yun po yung iniiwasan nila na magkasama-sama po yung mga magkakatunggaling grupo.
02:50Sa munisipyo ng buluan, pinagdadampot naman ang 61 lalaki
02:54nang may magsumbong na sangko sila sa komosyon sa National Highway.
02:58Nakuha sa grupo ang dalawang granada, patalim at mga pamalong bakal.
03:03Meron ding nakuha sa ilan sa kanila na photocopy ng voter certificate
03:07na nagsasabing sila ay mga tagabuluan.
03:10Pinaprofile pa natin yung mga tao.
03:12Pero ang suspecha nung una, flying voters sila.
03:16Yes sir. Yes sir.
03:18Ang sabi, kasi taling sila sa, hindi sa EOR natin,
03:22taling sila sa kabilang region.
03:24Magtataka tayo bakit merong mga gantong bagay,
03:26itong mga metal rad na accordingly doon sa report sa baba
03:30is nahuli sa kanilang mga posesyon.
03:33Sabi ng isa sa mga hinihinalang flying voter na taga General Santos City,
03:37hindi pagboto ang pakay niya sa buluan.
03:39Yung binaya dyan, sir, isan libu yung isang araw, sir.
03:42Para mag-ano?
03:43Mag-ano lang, sir. Maglagay ng tarpaulin, sir.
03:46Sa araw ng eleksyon?
03:48Yun lang pag-ano, sir. Yun lang pag-ano sa amin, sir.
03:50Wala namang sinabi, sir, na mag-ano, magbutar there.
03:54Sa bayan pa rin ang buluan na nasa ilalim ng kamalik control,
03:58may mga armadong kalalakihal ang na-intercept ng mga otoridad.
04:01Iba't ibang kalibre ng baril ang nakuha sa kanila.
04:04Kahit papatapos na ang butuhan,
04:15ay nananatili pa rin naka-alerto ang mga polis at sundalo
04:19dahil sa posibilidad na baka may mangyari pa rin gulo
04:23kapag isinarado na ang mga presinto.
04:27Ako si Jun Venarasyon, nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
04:30Maraming salamat at ingat kayo, Jun Venarasyon.

Recommended