Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/11/2025
Panoorin ang interview ng GMA Integrated News kay Comelec Chairperson George Garcia ngayong 5:31 a.m. ng May 12. #Eleksyon2025


Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00At ngayon po makakapanayam natin si Cominic Chairman George Erwin Garcia.
00:04Chairman, kamusta po so far yung pagbubukas ng ating botohan?
00:12Maganda umaga po Sir Vicky, Sir Egan at Sir Ato. Maganda umaga rin po sa mga kababayan natin.
00:18Tama po kayo exactong alas 5 na umaga ngayong araw na ito.
00:21Nagsimula na sa buong bansa yung pagpapaboto natin sa mga nakatatanda, sa mga may kapansanan, sa mga nagdadalang tao.
00:28Inaasahan po natin, 12 milyon na mga senior citizens ang buboto ngayong umaga, 5 to 7, at 530,000 more or less na mga PWDs.
00:38At syempre, meron din na mga nagdadalang tao.
00:41Natutuwa tayo sapagkat dinagsana kaagad ang bawat presinto ng mga nakatatanda at may kapansanan, lalo po dito sa probinsya.
00:48Sapagkat lalo yung mga nagbubukid o yung mga nagtatrabaho po sa kanilang mga bukirin ay bumuboto po na maaga.
00:54Kanina po ang isa sa mga kauna-unaan bumoto dito sa barangay, sa elementary school na ating pinuntaan dito sa Silangkavite,
01:01ay yung isang may kapansanan sa puso.
01:03Sabi nga niya, napakaganda at napakabilis ng pagboto po niya.
01:07At inaasahan po natin yan sa buong bansa, Igan, Mamviki at Sir Atom.
01:13At sana nga, i-avail ng mga kababayan nating membro ng vulnerable sector yung exclusive na oras na ito.
01:19O bagamat, pwede naman silang bumoto ng 7 to 7 pa rin at may priority lane pa rin tayo para sa kanila.
01:26Chairman Garcia, may tanong po ako.
01:28Di ba bawal sa mga polling precinct itong mga cellphone?
01:31Bawal kumuha ng mga picture ng ating mga balota.
01:34Pero ang question ko po, pwede bang magpasok ng cellphone para yun ang gawin nating kodigo sa mga iboboto natin?
01:43Mamviki, yes. Pwede po tayo magdala ng cellphones.
01:46Wala po tayong patakaran na pinagbabawal natin ang mga cellphone sa loob ng presinto.
01:51Kaya lang, tama po yung sinabi nyo.
01:53Pwede pong gamitin na naandyan yung kodigo natin kung wala tayong dalang voters information sheet
01:58o kahit na anong papel na nagsasabi na ito ang mga boboto natin.
02:01Subalit, ang ating mga kababayan, iwasan na lang po magpicture doon pa mag-facebook-facebook
02:07o kaya lang pipicturan yung nangyayari sa loob ng presinto.
02:10Merot meron po ng mga kababayan natin na ayaw ng ginagawa natin yan.
02:14O kaya naman, baka kayo po ay ma-report o ma-question mismo ng watcher na naandyan sa loob ng presinto.
02:23Chairman Garcia, kanina may in-announce kayo ng good news para sa mga senior citizen.
02:26Pwede nyo expound yun, yung mas maginhawa para sa kailangan bumoto
02:30dahil pwede na silang mag-avail ng grab.
02:32Toto ba yun?
02:33Opo, libre po yung grab transport ng alas 5 hanggang alas 7.
02:40Lalo na yun, medyo sasakay pa tayo ng konti kaysa maglalakad.
02:43Libre po yan sa buong Pilipinas.
02:45At siyang po'y kasama sa pinirmahan natin, maliban doon sa Voters Education Program.
02:50Yung pong mga, may kasamang mga, ano ah, assistor.
02:54Pwede na rin pong bumoto yung assistors nila na hindi na magbabalikan.
02:58Kasama, basta ba yung assistor ay botante rin ng fall-in place
03:03kung saan bumoboto yung nakatatanda o may kapansanan.
03:07Pero yung assistor po nila, pwede ba magboto sa kasama ng senior citizen
03:11o kailangan mag-iba sila ng precinct?
03:13Depende kung saan sila naka-assign.
03:17Kung saan po sila naka-assign, doon pa rin po sila bumoboto.
03:20Basta ba unahin muna nila makatapos yung kung nakatatanda.
03:23Sa total naman, lalo sa mga areas na nandyan yung ating mga priority fall-in precincts,
03:29may mga upuan, ma-comfortable naman yung mga kinalalagyan ng mga nakatatanda natin.
03:33Siyempre, unahin muna natin yung pagboto nila.
03:36Tapos tsaka na, yung susunod naman, yung mga assistor.
03:38Pero usually po, Ma'am Vicky, kapag ka sila ay kasama ng nakatatanda, kamag-anak,
03:44usually yung kanilang precincto, parehas na rin ng precincto,
03:48ng member ng vulnerable sector natin na yan.
03:50Chairman, may initial report na ba kayo sa posibilidad ng foreign interference sa eleksyon?
03:56Dahil mayroong labing isang individual,
03:58aba ang bit-bit hihalos kalahating biliyong piso sa Mactan International Airport sa Cebu, papuntang Maynila.
04:05Peg bang ibahagi sa inyo mga nakuha niyo informasyon, Chairman, o kung ito'y may kaugnayan sa eleksyon?
04:09Thank you very much.
04:39Yan ang isang bagay na kinakilang ma-imbestigahan natin.
04:43Pero yung foreign intervention sa kasalukuyan, Igan, wala pa tayo masyadong nakikita na papatunayan,
04:49maliban na lang doon sa massive disinformation o misinformation na ginagawa po sa ating electoral process,
04:55sa integridad ng ating halalan.
04:58Maraming salamat, Chairman.
04:59Salamat din sa panalangin na pinadala mo.
05:01Yun ang una kong ginawa kanina, bago kami nagtrabaho rito.
05:04Chairman George Erwin Garcia ng Comelec.
05:07Good luck po, ingat kayo.
05:07Good luck po.

Recommended