00:00Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bagong halal na Santo Papa na si Cardinal Robert Francis Prevost ng United States,
00:09na tatawaging Pope Leo XIV.
00:12Malugod na ipinabot ng Pangulo ang pagbati sa bagong mamumuno ng simbahang katolika sa ngalan ng milyong-milyong mga Pilipinong Katoliko.
00:20Ayon sa Pangulo, ipinagdarasal niya na bilang bagong Santo Papa ay patuloy na ilapit ang simbahan lalo na sa mga kapuspalad at nasa laylayan ng lipunan.
00:29Tiwala ang punong ehekotibo na buong sambayan ng Pilipino ang magpapahatid ng dasal sa bagong Santo Papa na magkaroon ng lakas at maayos na kalusugan sa pangungunan nito sa mga deboto ng may karunungan at malasakit.
00:44Umaasa rin si Pangulong Marcos Jr. na magiging inspirasyon ng bagong Santo Papa sa buhay ng nakararami na magpatuloy sa pang-araw-araw na pamumuhay kasama ang Diyos.