00:00Samantala, nakahanda na ang mga Cardinals sa Vatican para ang pagsisimula ng conclave o pagpili ng bagong Santo Papa bukas.
00:08Ang detalya sa balitang pambansa ni Quincy Kahilig ng IBC-13.
00:14Nakahanda na ang 133 Cardinals sa Vatican sa pagsisimula bukas ng conclave na magtatakda sa susunod na Santo Papa.
00:24Nagpauna na nga si CBCP President Cardinal Pablo Vergilio David na kabilang sa Cardinal Electors.
00:31Signing off daw muna siya mula Martes ng gabi.
00:35Isusurrender kasi ng mga Cardinal ang kanilang communication gadgets para sa taimtim at pribadong halalan sa bagong leader ng simbahang katolika na gagawin sa Sistine Chapel.
00:46Nanumpa na din ng Oath of Secrecy ang lahat ng mga opisyal at staff na aalalay sa mga kardinal.
00:54Binubuo ito ng mga religious personnel, medical workers, sanitation and technical services at security staff.
01:02Sisimulan sa isang misa ang conclave, miyerkoles ng hapon.
01:06Maaari itong tumagal ng ilang araw.
01:08Bago ang makasaysayang botohan, muling nagpulong ang mga kardinal upang talakayin ang iba't ibang usapin ng simbahan.
01:17Napag-usapan din na dapat ang susunod na Santo Papa ay yung malapit sa tao at kayang tipunin ang lahat sa presensya ng Panginoon sa gitna ng mga kaguluhan at pagkakabaha-bahagi sa mundo.
01:32Napansin din kasi ng mga kardinal ang malaking presensya ng mga mamamahayag ngayon sa Vatican.
01:37Nakikita nila ito bilang senyales ng pangailangan na maiparating pa ang mensahe ng evangelyo sa mas maraming tao.