00:00Napatunayang epektibo ang ilang programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaya bumagal pa ang inflation rate.
00:07Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Vell Custodio ng PTV Manila.
00:13Epektibo ang mga hakbang ng Department of Agriculture sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pabagali ng inflation rate sa bansa.
00:22Sinabi ni DA Secretary Francisco Tula Rell Jr. na nakakatulong ang mga programa ng kagawaran na agrikultura para sa pagpaparami ng supply
00:32at gawing stable ang supply ng mga pangunahing bilihin sa pagbibigay ginhawa sa mga consumers, particular na sa mga low-income families.
00:40Ayon sa Philippine Statistics Authority, maaari pang mas bumagal ang inflation kapag lumawak pa ang 20 pesos sa bigas sa binapantaya ng PSA.
00:48Kasunod ito ng paglunsan ng programang 20 pesos meron na sa Cebu noong May 1 ang kadiwa ng Pangulo na malaking tipid para sa mga mamimili.
01:10Pinakamababa ang naitalang inflation rate sa 1.4% itong Abril sa nakalipas sa mahigit limang taon batay sa tala ng PSA.
01:18Sa kabila ng positibong resulta, hindi pa rin tumitigil ang DA sa pagresolba ng iba pang mga isyo sa supply at value chain, particular sa sektor ng pagbababoy.
01:28Mula sa People's Television Network, VEL Custodio, Balitang Pambansa.