00:00Inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga nakakasang proyekto ng pamahalaan na tutugon sa supply ng kuryente at iba pa.
00:08Giit ng Pangulo, dapat ay mga karapat-dapat na kandidato ang ihalal ng publiko para maipagpatuloy ang progreso sa Pilipinas.
00:17Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Mela Lesmoras ng PTV.
00:21Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkakaroon na ng subway sa Pilipinas bago magtapos ang kanyang termino sa 2028.
00:32Ayon sa Presidente, mahalaga ang maginhawang biyahe para sa buhay ng mga Pilipino at sa iba yung pag-unlad ng ating ekonomiya.
00:41Kayat isa ang sektor ng transportasyon sa tinututukan ng kanyang administrasyon.
00:47Bago po ako matatapos bilang Pangulo, magkakaroon na tayo ng subway dito sa Pilipinas.
00:54Yung subway, yung tren na dumadaan sa ilalim ng lupa.
00:59Yung nakikita po natin, dati nakikita lang natin sa sini yan.
01:03Meron lang po tayo dito sa Pilipinas niya.
01:06Bukod dyan, sabi ng Pangulo, pariyoridad din nila ang paghatid ng internet access sa lahat.
01:12Sa gitna ng climate change, pinaiting na rin ng pamahalaan ang mga hakbang para sa pagpaparami ng dam at flood control projects sa bansa.
01:20Kailangan natin pagandahin ang ating flood control.
01:24Hindi lamang yan, etong flood control, kasama na rin po yan, yung pag-iipon ng tubig para mainom ng mga household at para sa irigasyon sa agrikultura.
01:37Lahat po ginagawa natin yan.
01:39Lahat ng ito, iginiit ni Pangulong Marcos sa campaign rally ng Alianza para sa Bagong Pilipinas sa Batangas City nitong Sabado,
01:47kung saan personal niyang inendorso ang senatorial candidates ng administrasyon.
01:52Ayon sa Pangulo, para maipagpatuloy ang progreso sa bansa, mahalaga ang pagboto ng mga tamang leader ng taong bayan sa eleksyon.
02:00Ito po, ang ating dapat ihalal, ang ating mga kandidato sa Senado, mabuhay ang Alianza.
02:09Ang Alianza candidates, kanya-kanya rin diskarte sa panliligaw ng mga putante.
02:17So ngayon po, sa ganda po ng nagagawa natin sa Makati, gusto po natin nadalhin ito sa buong Pilipinas.
02:25Ang Alianza po ay tutulong sa mga taga-Batangas para tuloy-tuloy po ang pag-unlad ng Batangas.
02:35Bago yan, nakapulong din ang Alianza candidates si na Finance Secretary Ralph Recto
02:40at dating Batangas Governor Vilma Santos Recto na naghatid sa kanila ng buong suporta.
02:47Mula PTV, Mela Lasmoras para sa Balitang Pambansa.