Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/4/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Binigyan ng pagkilala sa Malacanang ang apat na Filipina icons sa larangan ng showbiz at food industry.
00:07Binigyan sila ng pinakamataas na parangal para sa mga sibilyan.
00:11Yan po ang unang balita ni Jamie Santos.
00:15Ginawaran ni Pangulong Bongbong Marcos ng isa sa pinakamataas na parangal para sa mga sibilyan,
00:22ang Presidential Medal of Merit, ang apat na Filipina icons na pumanaw ngayong taon.
00:28Kabilang sa mga binigyang pagkilala si Nora Onor at Gloria Romero,
00:33mga veteranang aktres na hinangaan ng ilang dekada sa industriya ng pelikula.
00:38Kasama rin sa mga ginawara ng Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales
00:42at ang multi-awarded chef at restaurateur na si Margarita Forrest.
00:46Ayon sa Executive Order No. 236,
00:50iginagawad ang Presidential Medal of Merit sa mga Pilipinong nagtaguyod sa dangal at prestihiyoso ng bansa,
00:56lalo na sa mga larangan ng panitikan, agham, sining, libangan at iba pang gawaing sibilyan
01:03na nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas sa pandaigdigang entablado.
01:07To Gloria, to Margarita, to Pilita, to Nora.
01:14It seems very little, but the best we can do.
01:18They are undeniably icons.
01:21But more importantly,
01:23we can see that the true quality of their art,
01:28of their performances,
01:30came from the core of them being Filipino.
01:34They are women who spent their lives sharing their gifts,
01:38deepening how we understand ourselves through their respective disciplines.
01:42They have made our national consciousness more visible and to be felt worldwide.
01:49Inalala rin ni Pangulong Marcos ang kanyang masasayang karanasan
01:53kasama si Gloria Romero,
01:55na gumanap bilang kanyang inang si dating unang ginang Imelda Marcos
01:59sa pelikulang Iginuhit ng Tadhana noong 1965.
02:02I remember it very well.
02:06I was seven years old,
02:09and every after school,
02:13the first day, dinala na lang ako sa set.
02:15Hindi ko alam.
02:16Hindi na masyadong naipaliwanag sa akin.
02:19But there I was,
02:20playing myself like an idiot,
02:22not knowing what I was doing.
02:24And with these brilliant people all around me.
02:27And, oh by the way,
02:29I made 2,000 pesos from that movie.
02:32Pumanaw ang batikang aktres noong January 25 sa edad na 91.
02:36Inalala rin ng Pangulo ang mga sandaling nagkikita sila ni Nora Onor.
02:41Look at Nora Onor.
02:42How do we even speak of Ate Gai without feeling an ache in our chest?
02:49Sinalamin niya ang bawat isa sa atin.
02:52Dahil sa angking galing at kabutihan sa kapwa,
02:55minahal siya.
02:58Well, you know,
02:59there was a time where I had to choose whether to be a Vilmanian or a Noranian.
03:04So,
03:05hindi pa ginagamit yung salitang balimbing.
03:07Balimbing na ako,
03:08palipat-lipat ako,
03:09pagkagusin.
03:11Pumanaw ang batikang aktres nitong April 16 sa edad na 71.
03:15Kinilala bilang Asia's Queen of Songs si Pilita Corrales.
03:19Inalala rin bilang isang payak na dalagang Cebuana
03:22na bukas palad sa pagbibigay ng oras at talento.
03:25Namaya pa siya nitong April 12 sa edad na 85.
03:28Malaki naman ang naiambag sa pagpapalaganap ng kultura at turismo
03:33sa pamamagitan ng pagkain ng kilalang chef na si Margarita Forrest
03:36na itinanghal bilang Asia's Best Female Chef noong 2016.
03:40Edad 65 nang mamaya pa siya noong February 11.
03:44Ang mga anak at apo ng mga pinarangalan
03:47ang tumanggap ng Presidential Medal of Merit sa kanilang pangalan.
03:51Habang ang iba pang mga miyembro ng pamilya at malalapit na kaibigan sa industriya
03:55ay inimbitahan din sa Malacanang magsama-sama at ipagdiwang ang kanilang buhay
04:00at mga nagawang tagumpay.
04:02Ito ang unang balita.
04:04Jamie Santos para sa GMA Integrated News.

Recommended