Heto ang isang pagbabalik-tanaw sa pag-awit ni Ricky Davao sa isang funeral service nung isang taon para sa kaibigan niyang veteran entertainment reporter na si Mario Bautista.
Inawit niya ang Martin Nievera version ng 1987 hit song ni Joey Albert na "Ikaw Lang Ang Mamahalin."
Nung gabing iyon, mismong si Martin pa ang spinner o umakumpanya sa kanya sa pamamagitan ng pagmando sa minus one na ginamit sa pag-awit ni Ricky.
Pumanaw ang award-winning actor at direktor na si Ricky Davao nito lang May 1, 2025 dahil sa sakit na cancer.
Matagal na nakaratay sa isang ospital si Ricky bago ito iniuwi sa kanyang tahanan sa Quezon City, kunsaan binawian siya ng buhay kapiling ang kanyang mga anak at mga mahal sa buhay.
Siya ay 63.
Sa kanyang 47 taong karera sa showbiz, gumanap siya at nagdirek sa mahigit 130 pelikula at mahigit 30 teleserye.