Aired (May 2, 2025): Discover the survival strategies of deep sea creatures, where extraordinary adaptations help them thrive in one of Earth’s most hostile environments. #AmazingEarth #AlienAbyss
For more Amazing Earth Highlights, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?list=PLLYaldfT7P2R-suSwxKHEp3on5rSa9b50
Join Kapuso Primetime King Dingdong Dantes as he showcases the deadliest weather on planet Earth in GMA's newest infotainment program, 'Amazing Earth.' Catch the episodes every Friday at 9:35 PM on GMA Network. #AmazingEarthGMA #AmazingEarthYear6
For more Amazing Earth Highlights, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?list=PLLYaldfT7P2R-suSwxKHEp3on5rSa9b50
Join Kapuso Primetime King Dingdong Dantes as he showcases the deadliest weather on planet Earth in GMA's newest infotainment program, 'Amazing Earth.' Catch the episodes every Friday at 9:35 PM on GMA Network. #AmazingEarthGMA #AmazingEarthYear6
Category
😹
FunTranscript
00:00The Squid Game of Love
00:30At mga isdang mala-alien ang obra para magustuhan sila.
00:38Lahat kasi ng hayop may dalawang pangunahing misyon.
00:41Una, ipasa ang kanilang lahing.
00:44Pakalawa, siguraduhin may mga anak na mabubuhay para ituloy ang kanilang natatanging jeans.
00:51Basta matupad ang dalawang iyan, bahala ka na sa diskarte mo.
00:55At sa totoo lang, ang daming wild na diskarte para maipasa ang DNA sa susunod na henerasyon.
01:02Simulan natin sa Big Bang.
01:05Sa simula, puro dilim ang nasa kailaliman.
01:08At dahil gabi noon, sa ilalim ng dagat, natutuwa ang lahat.
01:13Pagbiglang may liwanag ang buwan.
01:17Lumapit agad ang mga pusit sa liwanag para magparty.
01:20Sabay-sabay silang nag-sexy time.
01:23At lahat sila, namatay.
01:25Teka, ano?
01:27Balikan natin ito saglit.
01:30Ito, ang opalescent squid.
01:34Matatagpuan ito sa baybayin ng Pacific Coast ng North America.
01:37Wala naman masyadong kakaiba sa pusit na ito.
01:42Katamtaman lang nga laki.
01:44Maiksi ang buhay.
01:46Mga anim hanggang siyam na panginginain ng krill.
01:49Tapos okay na.
01:50Pero at least, nagtatapos ito ng may pasabog.
01:54At oo, yun talaga ang tawag dito.
01:56Sexy time Big Bang.
01:59So ayun na nga.
02:00Isang maliwanag na gabi, kalahating taon matapos mapisa ang mga itlog.
02:05Nagpunta ang lahat ng pusit na nasa tamang edad sa mababaw na tubig.
02:09At dito na, nagsisimula ang ligawan.
02:13Ang mga lalaking pusit, yayakap sa mga babaeng gay makipag-made.
02:17Matagal na nilang pinaghandaan ito.
02:19Nag-ipo na sila ng spermatophores
02:21o mga supot ng similya sa ilalim ng kanila mga mantel.
02:25Ito yung parang mahaba at matulis na sumbrero.
02:28Ang sistema nila, iabot ang pakete, kumapit sa girlfriend at sumabit.
02:34Karamihan sa mga lalaki, gumagamit ng guard strategy.
02:37Hindi bibitawan ang partner nila hanggang sa dulo.
02:41Sinisiguro nilang hindi ito makikipag-made sa iba.
02:44Kapag may sumingit, naglalabas sila ng warning sign na pulang tinta.
02:49At maraming nangangahas.
02:51Tawag sa kanila, sneakers.
02:53Ang galawa nila ay yung biglang susyolpot dadamba sa babaeng may kapartner na
02:59at pasimpleng maglalagay ng similya sa ilalim ng mantel nito.
03:03Wala silang pakikontekan na.
03:07Pagkatapos ng gabing puno ng sexy time,
03:09mangingit-tug na ang mga babae.
03:12Inalagay nila ito sa buhangin gamit ang isang malasementong panbikit.
03:18At yun na yun.
03:19Lahat ng pusit inubos ang kanilang enerhiya sa isang one-night stand na sabay-sabay.
03:25At saka sila mamamatay.
03:28Sa umaga, tapos ng lamunin ang mga scavenger ang karamihan sa kanila.
03:33Ang mga itlog naman, matibay at hindi masarap kainin.
03:36Kaya nakaliligtas.
03:38Buti na lang.
03:40Kahit dugi ang mga magulang, sulit namang gumawa ng baby squids.
03:45Dahil kayang gumawa ng bawat pares ng pusit ng 4,000 baby squids.
03:50At tadhana na ang bahala sa kanila.
03:53Paano nga ba ang maging isang pugitang ina?
03:56Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo?
03:58Yan ang tunay na kwento ng buhay ni Mommy Octopus.
04:01Sa kwento kami si number two.
04:03Mama Pugita, pahinga ka na.
04:06Ang mga pugita, pinsa ng mga pusit at isa sa pinaka-alien na lamang dagat.
04:11At syempre may sarili silang kakaibang style pagdating sa once-in-a-lifetime na sexy time.
04:17Daham-dahan sila kung umiksena.
04:20Bago ang lahat, parehong tinutunaw ng mga lalaki at babae ang sarili nilang muscles para makabuo ng sperm at itlog.
04:28May isang malaking problema nga lang.
04:30At kung may isang bagay na ayaw na ayaw ng pugita, yan ay kapwa niya pugita.
04:38Madalas, nauuwi kasi sa bardagulan ang pagkikita nila.
04:43Minsan pa nga, kanibalismo.
04:47Kaya naman itong lalaking day octopus dahan-dahang lumalapit sa isang babaeng pugita.
04:53Buti na lang, may alas siya.
04:55Dahil bihira silang makatagpo ng kapwa pugita, hindi mapili ang babae.
05:00Pero hindi ibig sabihin natitigil na siyang manghuli ng isda kahit may lalaki nang nakakapit sa kanya.
05:07At okay lang yun sa lalaki.
05:09Reproductive organ kasi ang gamit niya pag nag-iisip.
05:12Espesyal ang braso niyang, kung tawagin, ay hektocotylus na ginagamit sa pagpapasa ng sperm.
05:20At tulad ng iba pa niyang galamay, may sarili itong utap.
05:23Malaking bagay ito para sa isang okdad.
05:26Kasi alam mo na, baka siya mismo ang gawing hapunan ng partner niya.
05:31Pero hindi biro ang iseminasyon.
05:35Kailangan niya ipasok ang hektocotylus sa siphon ng babae.
05:40Yun din ang ginagamit nito para huminga at lumangoy ng mabilis.
05:44Kapag sumakses siya, maiiwan niya ang sperm sa isang storage area malapit sa ubaryo ng babae.
05:50At kung hindi man siya gawing hapunan ni misis, mamamatay pa rin si Mr. Makalipas ang ilang buwan.
05:57Ang babaeng pugita naman, pwedeng itago ang sperm sa loob ng ilang linggo bago niya ito gamitin.
06:03Pero sa oras na gamitin niya ito, sign na yun na malapit na rin siyang mamatay.
06:09Hetong blue-ringed octopus, naghahanap na ng nesting place niya na magiging final resting place din niya.
06:16Pero ang babaeng giant pacific octopus, kailangan niya ng isang buong kuweba.
06:22Isinasabit niya ang libu-libong itlog mula sa kisame nito.
06:26Araw-araw, inaalagaan niya ang bawat isa.
06:29Pinagliliguan ng oxygen-rich water, nililinis at binabantayan.
06:33At kahit gutom na gutong, hindi siya kumakain baka kasi makatunog ang mga predator o pagmulan ng infeksyon.
06:41Kaya ang kanyang pinakamatinding sakripisyo bilang ina ay gugutumin niya ang sarili hanggang sa mamatay.
06:49Sa huling bugso ng kanyang lakas, hinipan niya ang kanyang mga itlog palabas ng kuweba.
06:54Isa lang sa bawat isang daang anak niya ang mabubuhay.
06:57Ang ginawaan niyang pagluwal ng maraming anak, kahit alam niyang kaunti lang ang mabubuhay, ay tinatawag na predator swamping.
07:06Brutal pero praktikal na paraan para siguradong magpatuloy ang lahi nila.
07:11Sa kailaliman ng dagat, may paparating na alien army.
07:14Hindi nakikita, hindi ramdam.
07:17Pero handang ipaglaban ang kanila mga baby.
07:20Ano ang kanilang strategy? Patabain ang kalaban.
07:23At ito, isa sa pinaka-weird pero pinaka-matagumpay na time traveler sa dagat, ang American Horseshoe Crab.
07:32450 million years na siyang nabubuhay at halos walang nagbago sa itsura niya.
07:37Hindi siya totoong alimango, hindi rin siya crustacean.
07:40Mas kamag-anak pa niya ang extinct na sea scorpions.
07:44At yung buntot niya, huwag kang mag-alala, walang laso niyan.
07:48Ang iba, naglalakad ng daang-daang kilometro papunta sa romantic pwestuhan ng Delaware Bay.
07:54Oras na para sa pag-ibig.
07:57May built-in GPS sila na nakasink sa buwan.
08:00Tuwing may extra high tides, sabay-sabay silang nangingitlog sa pampang.
08:04Ang mga mas malalaking babaeng alimango, naglalabas ng pheromones at ayun, baliw na baliw ang maliliit na lalaki.
08:11Ang mga swerte, nakakajakpat ng partner at nakakakuha ng freeride paakit sa dalampasigan.
08:18Habang nangingitlog ang babae, tini-fertilize agad ng lalaki.
08:22Ang ibang mga lalaking hindi nakasabay, nagbuka na lang ng similya kahit saan.
08:27Kaya lang, may problema.
08:29Ligtas nga mga itlog sa ilalim ng buhangin mula sa gutom na predator sa dagat.
08:34Pero sa lupa, para silang buffet, para sa mga ibon.
08:37Ang mga itlog ay importanteng pagkain ng mga nagmamigrate na seabirds.
08:42Inatidingan talaga nila ang stockover para mag-eat all you can.
08:46Mukhang katayan ang eksena.
08:48Pero sa kabilang panig ng baybayin, daandaang libong babaeng alimango ang sabay-sabay nangingitlog ng bilyog-bilyong eggs.
08:56Pero hindi ito mauubos ng mga ibon.
08:58Ito ang predator swamping sa pinakmalupit nitong anyo.
09:02At matapos ang dalawang linggo, ang mga nakaligtas ay mag-ibang.
09:06Ibang klase ang kakayahan ng mga susunod dati makikilala.
09:09Nagpampalit kasi sila ng kasarian.
09:11At ang masaya pa, walang judgmental na nambabasa ka nila.
09:15Alamin natin kung bakit malaya silang maging kung ano ang gusto nila.
09:19Dito po sa kwentong amazing number one.
09:21For this way.
09:23Sa mundo ng coral reefs, ang mga hayop ay parang makukulay na aliens.
09:30May malalaki mata, kakaibang katawan at mas kakaibang love life.
09:35Pero dito, walang gender rules.
09:38Ito ang ribbon eels.
09:40Mga cute pero iskandalosong moray eels.
09:44Mas wild kasi silang maglambingan.
09:46Mahilig silang tumambay sa lungga.
09:48Naghihintay ng mabibiktimang isda.
09:51Kulay blue ang lalaki.
09:53Yellow naman ang babae.
09:55Walang kakaiba kasi nung pinanganak sila, itim ang kulay nilang lahat.
09:59At kapag ready na silang magkaanak, nagiging asul sila.
10:02Pero teka, lahat sila lalaki, so kanino sila magkakaanak?
10:07Sa mas matandang bersyon ng sarili nila,
10:10kapag umabot na sila ng isang metro, nagbabago ulit sila.
10:14At boom! Nagiging babae.
10:16Ito ang tinatawag na sequential hermaphroditism.
10:20Sequential hermaphrodites ang ribbon eels.
10:23Kung babae, pwedeng maging lalaki.
10:25May mga isda na ganun din ang galawan.
10:28Tulad ng parrotfish.
10:29Ipinanganak na babae.
10:32Pero kapag lumaki na, nagiging makulay na male alpha.
10:36Ang ilang gobies, kaya magpalit ng gender depende sa pangangailangan ng tropa nila.
10:42Ang babae nagiging lalaki at ang lalaki, pwedeng maging babae sa loob lang ng ilang araw.
10:48At ang cleaner shrimp, nagsisimula bilang lalaki.
10:51Pero kapag ready to settle down na, nagiging hermaphrodite at loyal sa forever nila.
10:56Ang cute nila, di ba?
10:57Ang nudibranchs, mga malalambot, makukulay at mala espasol na sea slugs,
11:04ay parehong sorority at fraternity ang sinasalihan.
11:08Oo, kasi sabay silang lalaki at babae.
11:12Buong buhay nila, kumpleto sila sa male at female reproductive organs sa iisang katawan.
11:18At may mahigit 3,000 species ng nudibranchs sa mundo.
11:22Ngayon, etong pinaka-weird. May isang uri ng nudibranchs na natatanggal ang ari na nakatago lang sa katawan niya.
11:31At tuwing sisiping siya, natatanggal ang dulo ng ari niya.
11:35Parang buntot ng butiki.
11:36Pero kahit ganito kagaling ang nudibranchs, hindi nila kayang mag-fertilize ng sarili nila.
11:42Kaya kailangan pa rin nilang maghanap ng kapareha.
11:45Buti nilang guaranteed match lagi sila.
11:47Pero sino magiging nanay? At sino magiging tatay?
11:51Simple lang, hindi sila nanimili.
11:53Kapag nagkagustuhan ng dalawang nudibranchs, mag-aalign sila.
11:58Male to female, female to male.
12:01At sabay nilang i-fertilize ang isa't isa. Win-win.
12:05Pero teka, eto naman ang mas kakaibang bidabida.
12:08Mukhang nudibranchs, pero hindi siya nudibranchs.
12:11Ang hint, wala siyang hasang.
12:13Yan ang mabalahibong parte ng mga nudibranchs.
12:17Eto ay isang marine flatworm at simultaneous hermaphrodite din.
12:21Pero may malaking kaibahan.
12:23Hindi sila mahiling mag-share tulad ng iba nilang kamag-anak.
12:27Kapag nagkita ang dalawang flatworms, may one-on-one bardagulan.
12:31Alam nilang mas matrabaho at mag-astos ang pagpalaki ng anak kaysa mag-produce ng sperm.
12:36Kaya laban kung laban para sa karapatang.
12:39At kung sino ang unang makatusok sa kalaban gamit ang ari, siya ang tatay.
12:51At ang tawag ng mga scientist dito ay traumatic insemination.
12:56At panghuli sa listahan ng mga kakaibang paraan ng pagpaparami, ang seahorses.
13:01Sa lahat ng isda, sila siguro ang may pinaka-wild na hatian ng trabaho pagdating sa pagiging magulang.
13:08Si nanay ang gumagawa ng itlog, pero si tatay ang nagbubuntis at nanganganak gamit ang kanyang brood pouch.
13:15At habang abala si tatay sa mga baby, si nanay naman ay busy ng gumawa ng panibagong batch ng eggs.
13:22Pero kahit ang mga tila normal ng nilalang, may mga kakaibang paraan din ng pagpaparami ng labi.
13:31So pala pala pala paa.