Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/2/2025
Nagsimula na ang imbestigasyon sa Primewater ng Local Water Utilities Administration dahil sa problema sa tubig-gripo ng mga customer nito sa iba't ibang probinsya. Ang reklamo na natatanggap nila, umaabot ng 'di bababa sa 20 kada araw. Sagot naman ng Primewater, makikipagtulungan sila sa imbestigasyon at pinaiigting ang pagtugon sa demand.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsimula na ang investigasyon sa prime water ng Local Water Utilities Administration
00:07dahil sa problema ng tubig gripo ng mga customer nito sa iba't ibang probinsya.
00:13Ang reklamo na natatanggap nila eh, umaabot ng hindi bababa sa 20 kada araw.
00:19Sagot naman ang prime water, makikipagtulungan sila sa investigasyon at pinaiigting ang pagtugon sa demand.
00:27Nakatutok si Maris Umali.
00:30Sabi ng Malacanang, nagsimula na ang investigasyon ng Local Water Utilities Administration sa Water Utility Company na Prime Water.
00:38Unang-unang umiiyak po ay Bulacan, Cavite, Laguna, Bohol, Pangasinan.
00:49Hindi lamang po yan, marami pa pong iba.
00:51Kung hindi po tayo nagkakamali, mayroon 73 joint venture agreements ang prime water sa mga water district, local water districts.
01:05So malalimang pong pag-iimbestiga ito.
01:08Ayon sa luwa, hindi bababa sa 20 hanggang 30 reklamo raw ang natatanggap nila kada araw mula sa mga prime water customers.
01:16Pinaka marami mula sa Bulacan.
01:18Usually, lack of water. Walang tubig.
01:21Mahina yung pressure. May amoy yung tubig nila.
01:25Or minsa talagang, ano, lack of water for days.
01:29So yun ang mga issues na tinutugon na namin.
01:32Hindi pa masabi ng luwa kung hanggang kailan naabuti ng investigasyon.
01:36The investigation will not cure the problem of no water.
01:40So dapat parallel yan.
01:42Nag-iimbestiga kami at the same time, gumagawa na kami ng paraan para magkaroon ng tubig doon.
01:48Sabi ng Prime Water, win-welcome nila ang lahat ng pagkakataon para sa bukas
01:52at makabuluhan dayalogo para maresolba ang mga alalahanin ng mga customer.
01:56Anila, nangangako sila sa pakikipagtulungan sa Local Water Utilities Administration.
02:02Dagdag nila, tinitiyak nila sa publiko na pinaiigting nila ang kanilang mahakbang
02:06para tugunan ang mga requirement at mapunan ang demand lalo sa mga lugar na hirap ang serbisyo.
02:12Sabi pa nila na nanatili silang committed sa pagtupad ng kanilang mga obligasyon sa kanilang mga partner
02:17para maihatid ang mga pangmatagalang improvement na kailangan para sa stable,
02:21maaasahan at pangmatagalang tubig gripo sa kanilang mga sineserbisyohan.
02:27Itinanggi naman ng Malacanangang paratang ni Vice President Sara Duterte
02:30na politika ang nasa likod ng pagpapaimbestigan ng Malacanang sa water utility company na Prime Water.
02:36She will always use that excuse or defense of pamumulitika without really answering or responding directly to the issues.
02:44Tandaan natin, ang Prime Water, ano man naging transaksyon nito, dahil umiiyak ang karamihan, dapat po talagang maimbestigahan.
02:56So wala pong pamumulitika ito.
02:58Pagtitiyak ng luwa, labas daw sa politika ang kanilang ginagawa.
03:01We want to remain impartial. As a regulator, we stand for the consumers.
03:08At the same time, we're also here to protect the rights of the investors.
03:12May mga reklamo na sa mga water districts with JVs even before magkaroon ng endorsement.
03:18So we have to take into consideration na matagal nang may klamor na tingnan, thoroughly.
03:23Hindi.
03:24Para sa GMA Integrated News, Marise Umali naktutok, 24 oras.

Recommended