00:00Kumikilos ang Department of Education para itama ang nakaraan at ihanda ang bawat kabataan para sa mas magandang kinabukasan.
00:08Ito ang tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara sa harap ng inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority
00:15na mula 2019 hanggang 2024 ay umabot sa 18 million K-12 graduates ang hindi umano na iintindihan ang kanilang binabasa.
00:25Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tiniyak ng kalihim na patuloy ang pagpapatupad ng kagawara ng interventions
00:34mula sa remedial at literacy programs para matiyak na walang batang maiiwan sa pagkatuto.
00:41Dagdag pa ni Angara sa harap ng memorization o pagkakabisa, hinuhubog ngayon ang mga mag-aaral para maging critical thinker at magkaroon ng 21st century skills.
00:52Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalalimpa sa teaching at assessment method.
00:57Una dito, inanunsyo ng DepEd na magsasagawa ng apat na summer learning programs para sa mga estudyante sa pampublikong paaralan
01:05na nangangailangan ng karagdagang tulong sa kanilang pag-aaral.