Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/1/2025
Ngayong Araw ng Manggagawa, muling iginiit ng iba’t ibang grupo ang dagdag-minimum wage at pagsasabatas ng dagdag-sahod para sa lahat. Tugon ng Pangulo, kailangang balansehin ang epekto niyan sa mga negosyo pero posible aniya’y pag-aralan ng mga regional wage board ang umento sa kanilang lugar.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ngayong araw ng manggagawa, muling iginit ng iba't ibang grupo ang dagdag minimum wage at pagsasabatas ng dagdag sahod para po sa lakad.
00:09Tugo ng Pangulo, kailangan balansin ang epekto niyan sa mga negosyo.
00:12Pero, posiblian niyang pag-aralan ng mga Regional Wage Board ang umento sa kanilang lugar.
00:18Ang iba pang mga akbang sa pagtutok ni Ivan Mayrina.
00:25Tuwing araw ng paggawa, taon-taon ang panawagan ng mga labor group ang taas sahod.
00:29Ngayong taon, may grupong humiling ng 1,200 pesos na minimum wage.
00:34May nanawagan ng mga sertipikahang urgent at Pangulo ang panukalang 200 pesos sa Legislated Wage Hike na ipinasasasinado pero hindi pa lumulusot sa kamara.
00:43Pero walang endorsement para sa panukala na binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos sa Labor Day Job Fair ng Labor Department.
00:49Masarap pakinggan ang matatamis ng mga pangako.
00:52Ngunit ang mga ito ay may epekto sa paglago ng negosyo, trabaho at ekonomiya.
01:01Kaya't kailangan na pag-aralan natin ng mabuti.
01:04Sa halip na across the board o pantay na dagdag sahod sa lahat ng manggagawa sa buong bansa,
01:09gusto niyang pag-aralan nito kada rehyon.
01:11Your concerns are being addressed through the Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.
01:17Simulaan niya ng iutos niya sa mga wage boards sa pag-aralan niya na ay labing-anim na rehyon na ang nagtaasang minimum wage,
01:23baga man malayo sa hinihingi ng mga labor group.
01:26At sa kalagit naan ng buwang ito, ay sisimulan na muli ang review ng wage board ng Metro Manila
01:31kung dapat bang dagdagan muli ang minimum wage at kung magkano.
01:35Pwede rin bumawian niya sa benepisyo imbes sa sahod.
01:38Hindi sinasagkaan ng pagkasalukuyang administrasyon yung pagkakataon na magkaragdagang benepisyo ang ating mga manggagawa.
01:45Kabilang sa mga benepisyo ang mga loans sa SSS,
01:48inanunso ng Pangulo na ibaba sa Hulyo ang interest sa 8% na lang para sa salary loan at 7% para sa calamity loan mula sa dating 10%.
01:56Sa Setyembre naman, hanggang P150,000 na ang pwedeng utangin ng surviving spouse pensioner.
02:03Kabilang din sa mga hakbang ng gobyerno ang mga job fair,
02:05mahigit 200,000 trabaho ang alok sa mga magkakasabay na job fair ngayong Labor Day sa buong bansa.
02:11Si Patricia Namoka, bagong senior high graduate, hired on the spot bilang hotel room attendant.
02:17Napaka-convenient po katulad ko na naghanak, kaka-graduate ko lang na hired on the spot po kanina na hindi ko po in-expect.
02:25May job fair din para sa mga gusto mag-abroad na masusundan pa.
02:28Hiring sa Croatia will be for hotel workers and possibly caregivers.
02:35But outside of that, like factory workers, private wrap.
02:38So sila yung magdadaos ng job fair katuwang namin sa May 21. Abangan po yun.
02:44Buwana na nga mga ganito alinsunod sa utos ng Pangulo.
02:46At dahilan ng ayon sa gobyerno ay pinakabababang unemployment rate sa nakalipas ng 20 taon na 3.8%.
02:52Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok 24 oras.

Recommended