00:00Nasa 4 milyong Pilipino ang posibleng makinabang ng ibebentang 20 pesos kada kilong bigas ng NFA.
00:07Ito ang sinabi ni Department of Agriculture Secretary Francisco Chu Laurel Jr.
00:11Kasunod ng nalalapit na paglulunsad ng 20 pesos kada kilong bigas sa Cebu at 8 piling kadiwa ng Pangulo Center sa Metro Manila.
00:20Ayon kay Laurel, maraming Pilipino ang matutulungan ng murang bigas na inaasahang sunod na ilulunsad sa Western at Central Visayas at iba pang lugar.
00:29Nasa 15 million o 51% naman ng populasyon ng Pilipinas ang posibleng matulungan ng programa mula 2026 hanggang 2028.