00:00Nagre-reposition ng Department of Agriculture ng 600 sako ng NFA Rice sa Cebu.
00:05Kasunod yan ang pilot launching ng NFA Rice na mabibili lamang ng 20 piso kada kilo sa Visayas simula sa Mayo.
00:14Sa Cebu muna, ipatutupad ang 20 pesos na bigas para sa unang linggo ng implementasyon.
00:19Batay sa poverty incidence data ng Philippine Statistics Authority,
00:23nangunguna sa datos ang Region 7, 8 at ilang lalawigan sa Region 6.
00:28Kaya napili ng kagawaran ng agrikultura na unahin na ang implementasyon ng pagbebenta ng 20 piso ng NFA Rice sa Visayas.
00:37Sasagutin naman ng DA, katuwang ang Food Terminal Inc. o FTI,
00:41ang mga sakaling lokal na pamahalaan ang local price difference sa pagitan ng presyo sa merkado at ng subsidized retail price.
00:50Nilalayo naman ng collaborative funding mechanism na gawing sustainable at scalable ang programa sa buong bansa.
00:56Kapag natapos na ang pilot testing, ayon pa sa kalihim, umabot na o umiikot na ang National Food Authority para masuri ang kalidad ng NFA Rice at maganda naman ang kalidad ng nasabing bigas.
01:09Samantala, nakipag-ugnaya na ang DA sa Commission on Elections para matiyak na hindi gagamitin para sa pangangampanya ang murang bigas.
01:17At hindi dapat running for government post ang nakaharap sa pagbebenta ng naturang bigas.