00:00Aabot naman sa isandaan at tatlumpong foreign delegations ang kumpirmadong dadalo sa funeral rights ni Pope Francis Bucas.
00:10Inilabas naman ang Vatican ang magiging itsura ng puntood ng Santo Papa.
00:16Si Joy Salamatin sa Sentro ng Balita.
00:20Isasagawa sa Sabado, April 26, ang libing ni Pope Francis.
00:25Nasa isandaan at tatlumpong foreign delegations ang kumpirmadong dadalo sa funeral rights, kabilang ang limampung head of states at sampung monarchs.
00:35Kabilang sa mga kumpirmadong dadalo, sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Lisa Marcos,
00:41U.S. President Donald Trump at First Lady Melania Trump,
00:45Argentinian President Javier Millay, French President Emmanuel Macron,
00:50Dadalo rin sina Ukrainian President Volodymyr Zelensky, British Prime Minister Pierre Starmer,
00:56kasama si Prince William bilang kinatawa ni King Charles III, King Felipe VI at Queen Letizia ng Spain at iba pa.
01:04Hindi naman dadalo si Russian President Vladimir Putin dahil sa umiiral na warrant of arrest mula sa International Criminal Court,
01:13kaugnay ng kanyang gyera sa Ukraine.
01:15Samantala, inilabas na ng Vatican ang magiging itsura ng puntod ni Pope Francis.
01:20Gawa ito sa simpleng marmol na nagmula sa Liguria, ang hilagang kanlurang rehyon ng Italia.
01:27Nakaukit sa tomb ang inscription na Franciscus, ang pangalan ni Pope Francis sa Latin,
01:33habang ang reproduction ng pectoral cross na isinuot ng Papa at isasabit sa taas nito.
01:39Maaaring bisitahin ng publiko ang libingan ni Pope Francis simula sa linggo ng umaga.
01:44Sa huling tala, pumalo na sa 61,000 ang bumisita sa labi ni Pope Francis na nasa St. Peter's Basilica bago ang libing nito.
01:54Nagpapatuloy naman ngayong ikalawang araw ang dagsa ng mga mananampalataya para masilayan sa huling pagkakataon ang labi ng Papa.
02:03Bukas, nakatakdang isagawa ang rito ng pagsiselyo sa kabaong ni Pope Francis.
02:08Hudyat din ito ng pagtatapos ng public viewing sa labi ng Santo Papa.
02:12Inaasahang magiging privado ang burial service para kay Pope Francis.
02:18Matapos ang libing, sunod na isasagawa ang papal conclave o ang pagpipili ng susunod na pinuno ng Simbahang Katolika.
02:25Aabuti ng labing lima o hanggang dalawampung araw ang pagtitipon ng mga kardinal bago mapagdesisyonan ang eksaktong petsa ng conclave.
02:34Alin sunod sa nakagawian, tanging mga kardinal lang na nasa 80 taong gulang pababa ang maaaring bumoto para sa susunod na Santo Papa.
02:45Joy Salamatin para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.