00:33Patapos ang tatlong beses na botohan, nakapaghalal na ang mga kardinal ng ikadalawandaan at animnaputpitong pinuno na simbahang katolika.
00:47Alas 12-7 na madaling araw, oras sa Pilipinas, nang lumabas ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel.
00:54Galak at saya ang naramdaman ng mga taong nag-aabang mula sa St. Peter's Square.
01:01Inanunsyo ni Cardinal Protodicon Dominic Mamberti na si Cardinal Robert Francis Prevost ang pinili ng mga kardinal na maging susunod na Santo Papa.
01:11Layado XIV ang pinili niyang papal name.
01:14Sa kanyang unang orbi et orbi blessing, binasbasan niya ang mga nasa St. Peter's Square.
01:19Nagpasalamat rin ang bagong Santo Papa sa mga kardinal na naglukluk sa kanya.
01:24Paging sa kanyang sinundaan si Pope Francis.
01:26Dobbiamo cercare insieme come essere una chiesa misionaria, una chiesa che costruisce i ponti, il dialogo, sempre aperta ricevere come questa piazza con le braccia aperte a tutti, tutti coloro che hanno bisogno della nostra carità, la nostra presenza, il dialogo, l'amore.
01:50Si Ledo XIV ay isinilang noong ikalabing apat ng Setiembre taong 1951 sa Chicago, Illinois sa Estados Unidos.
01:59Siya ang unang Agustinian Pope at ikalawang Santo Papa na galing sa Amerikas.
02:05Siya ay anak ni na Luis Marius Prevost at Mildred Martinez.
02:09Nagtapos siya sa kursong Philosophy at Mathematics noong 1977 sa Minor Seminary of the Agustinian Fathers at Villanova University sa Pennsylvania.
02:19Nang taon din yon ay pumasok siya sa seminaryo upang maging bahagi ng Agustinian Order.
02:261982 naman ang siya ay ordinahan bilang pari sa Agustinian College of St. Monica sa Roma.
02:32Pagkatapos noon ay ginugol ni Prevost ang mahabang panahon para maging misionero sa Peru bago siya mahalal bilang pinuno ng mga Agustino.
02:40Taong 2014 nang siya ay italaga ni Pope Francis bilang Apostolic Administrator ng Diocese of Chiclayo sa Peru at kalaunay itinalaga bilang Obispo noong 2015.
02:532019 naman ang italaga siya ni Pope Francis bilang miyembro ng Congregation for the Clergy at miyembro ng Congregation of Bishops noong 2020.
03:012023 naman ang siya ay italaga bilang Prefect ng Dicastery for Bishops at Pangulo ng Pontifical Commission for Latin America si Prevost kung saan siya ay inakyat bilang arsobispo.
03:14Enero naman ang nakaraan taon nang italaga siya bilang Cardinal ni Pope Francis.
03:20Gabo Milde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.