00:00Aarestuhin agad pagdating sa airport. Yan ang gagawing hakbang ng National Bureau of Investigation o NBI sa mga OFW na nagpapakalat ng fake news.
00:11Ito'y sakaling maglabas na ng warrant of arrest ang Department of Justice laban sa kanila.
00:16Nangangamba ang NBI dahil karamihan sa mga tinatawag na fake news peddlers ay ang mga overseas Filipino worker o OFW.
00:24Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, Cyber Patrolling o Paggalugad sa Cyberspace, ang kasalukuyang hakbang ng kanilang ahensya upang labanan ng fake news.