00:00Nagsimula ng mag-visita iglesia ang mga kababayan natin ngayong Semana Santa.
00:05Ang detalye sa Balit ng Pambansa ni Quenzel Bocobo ng IBC 13.
00:11Sama-samang nagdarasa lang pamilyang ito nang maabutan ng aming team sa Monasterio de Santa Clara.
00:17Ito raw kasi ang kanilang unang estasyon sa nakaugalian na nilang pagsasagawa ng visita iglesia.
00:23At gaya ng ilang mga pamilyang Pilipino, labing apat na mga simbahan ang target nilang puntahan para sa visita iglesia.
00:31Yung panahon na tumitigil kami sa mga gawain, it's a whole day affair sa aming mag-anak para makapag-attend kami ng Holy Thursday Mass and then Good Friday Mass, tapos yung salubong sa Black Saturday.
00:46Napakahalaga raw para sa kanilang pamilya ang pagsasagawa ng ganitong panata.
00:50Katunayan, lumuwas pa nga galing sa La Union ang kanilang padre de familia para rito na itinuturing na rin nilang family banding.
00:58Sa amin kasi may tinatawag kami ngilin, kumbaga yung parang panata.
01:04Ganon, susunod din yung kung ano yung dapat gawin sa Holy Week.
01:09Walang trabaho, walang pasyan, kumbaga parang yung family banding.
01:15Ang kanilang anak na si Angel, nag-request pa mismo ng simbahang isasama sa ruta ng kanilang visita iglesia.
01:22Since bata po po kasi kami, pupunta na kami sa Manawang Church. So kung may oras, pupunta doon.
01:30Para naman sa iba pang pamilya na maaaring limitado ang panahon o kakayahan na mag-ikot sa maraming simbahan,
01:36maaari naman po kayong magsagawa ng online visita iglesia.
01:40Tampok mismo sa visita iglesia.net ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang 360 videos ng labing dalawang mga simbahan sa iba't ibang lugar sa bansa.
01:51Mayroon din itong mga katekisis na maaaring pagnilayan ng mga katoliko ngayong panahon ng Semana Santa.
01:58Mula sa IBC 13, Quenzel Bocobo para sa Balitang Pambansa.