00:00Ilang deboto ay binahagi ang panata kasabay ng Palm Sunday si Christian Baskona sa report.
00:09Simula pagkabata ni Ginang Delia, minulat na sila ng kanilang mga magulang sa tradisyonal na pagpapabasbas ng palaspas suwing Semana Santa.
00:17Ayon sa kanya, malaking tulong sa kanilang buhay ang pananampalataya dahil na ilalayo sila sa mga karamdaman.
00:23Malaking tulong ito lalo na pag may mga sakit na mga apokor at ako kasi senior na rin ako, 70 years old na ako.
00:31Kaya kailangan isang beses sa isang linggo, nagsisimba talaga ako. Hindi ako nakakalimot sa kanya.
00:37Ibinahagi rin ang mga asawang Reyes, ang dulot na biyaya sa kanilang pamilya at negosyo ang tradisyonal na pagpapabasbas ng palaspas.
00:44Tradisyonal na din po sa amin. Nakakatulong din po siya sa business din po.
00:53Kasi sa amin, para sa pamilya na rin lahat. Yung blessing po nang binibigay sa amin ng Diyos, walang katulad.
00:59Regular namang magkasunod ang isinagawang misa sa parokya ng Tondo at sa iba pang mga kilalang simbahan gaya ng Kiapo.
01:05May screen viewing pa nito sa labas particular na sa May Pase Miranda.
01:09Samantala, dagsaan naman ng mga deboto sa Baclaran Church na yung iba dumayo pa mula sa ibang lugar.
01:15Maliban sa palaspas, kanya-kanyang bitbit ng payong at pamaypay ang mga deboto.
01:19Habang may iba't ibang disenyo naman ang mga tinitindang palaspas ng mga vendors na pumesto sa labas ng simbahan.
01:25Gwardyado ng mga kapulisan at iba pang mga force multipliers ang palibot ng simbahan upang matiyak ang siguridad at kayusan habang isinasagawa ang misa.
01:35Christian Bascones para sa Pamansang TV sa Bagong Pilipinas.