00:00Christiano man o hindi, mahalaga na talakayin po natin kung ano-ano ang kontribusyon at kahalagahan ng Semana Santa bilang parte ng kultura po nating mga Pilipino.
00:09Kaya naman upang sagutin ang ating mga tanong ukol sa mga paniniwala at tradisyon tuwing Semana Santa,
00:16kasama natin ngayon ang cultural anthropologist na si Dr. Nestor Castro.
00:21Magandang umaga po at welcome po sa Rise and Shine Pilipinas.
00:24Maganda umaga rin sa inyo.
00:26Alright, Dr. Castro, bilang isang cultural anthropologist po, nabilisa sa kultura ng mga Pilipino,
00:32ano-ano po ba yung mga karaniwang tradisyon ng ating mga kababayan kapag kapanahon po ngayon tuwing Semana Santa?
00:38Bali, ang Semana Santa ay naging bahagi ng identidad ng mga Pilipino, Christiano man o hindi,
00:46dahil ito ay pinagdiriwang sa buong bansa.
00:49So lahat tayo ay familiar at lumaki sa ganitong mga tradisyon.
00:53Ang dyan ang pabasa, ang senakulo, pagpapinitensya, mga prosisyon, palaspas at iba pa.
01:02Ayun, ang binang ang bansa naman po natin ay mayaman sa iba't ibang wika, dialekto, kultura at religious expression.
01:09Paano po ba naiiba ang pagdiriwang po ng Semana Santa sa iba't ibang region po sa Pilipinas?
01:15Siyempre, mayroon din variation ng mga practices.
01:18Halimbawa, sa ilang lugar, pinagpapatuloy ang pagpipinitensya.
01:23Sa ibang lugar, tulad sa Pampanga, mayroon pangang pagpapaku sa Cruz.
01:28Sa Bandag Rizal, andiyan ang Alay Lakad.
01:32Sa Marinduque, andiyan ang Moriones.
01:35So, makikita natin kung multicultural ang ating bansa.
01:39Ganon din ang practices tuwing Semana Santa.
01:43Mayroon din mga variation, pagkakaiba, pero pare-pareho ang mga pinagpapahalagahan.
01:49Ito ay ang pagsasakripisyo, ito ang pagninilay-nilay, ito ang pagpapahalaga sa ating pananampalataya.
01:56Although, some discouraged na yung pagpapapaku sa Cruz, kasi hindi rin maganda.
02:04Baka yung kalusugan, baka may ikamatay pa rin nila ito.
02:07Although, sa ibang regions, ginagawa pa rin po ito.
02:10Tama yun. Ito ay parte ng tinatawag na popular religion.
02:15So, ito yung paniniwala ng mga masa, ng mga ordinaryong tao,
02:19na hindi necessarily tumutugma sa dogma ng simbahan.
02:23Kung kaya't sinasabi mismo ng simbahan at pati ng mga LGU,
02:29dapat meron din mga pag-iingat na ginagawa.
02:31That's right. Okay.
02:32Sa pag-evolve naman po ng mga traditions pong ito,
02:35ano po yung mga nananatili at nagbago na?
02:39Lahat naman ng kultura nagbabago.
02:42So, yung mga practices ng matatanda,
02:45hindi necessarily naintindihan o alam ng mga bata.