00:00Inimok ng alyansa para sa bagong Pilipinas ang ating mga kababayan sa ibang bansa na makilahok sa overseas absentee voting na magsisimula sa April 13.
00:11Sa ngayon, nangunguna pa rin sa iba't ibang pre-election surveys ang mga pambato ng administrasyon.
00:16Iyan ang ulat ni Mela Les Moras.
00:21Kasabay ng nalalapit na pag-arangkada ng overseas absentee voting sa April 13,
00:26hinimok ng alyansa para sa bagong Pilipinas ang mga overseas Filipino worker at iba pang Pilipinong naninirahan sa ibang bansa
00:34na makilahok at iboto ang mga leader na tunay na magsusulong ng kanilang kapakanan at magbibigay proteksyon sa kanila.
00:41Sa ilalim ng overseas absentee voting na magtatagal hanggang sa May 12,
00:46magkakaroon ng pagkakataon ang higit isang milyong Pinoy abroad na bumoto sa mga napupusuan nilang kandidato sa pagkasenador at party list kahit sila'y malayo sa Pilipinas.
00:56Ayon kay Navota City Representative Toby Tshanko, campaign manager ng alyansa,
01:01mahalaga ang boto ng mga kababayan natin sa ibang bansa kaya't sana'y mga karapat-dapat na personalidad ang piliin nila.
01:09Sa ngayon, nangunguna pa rin sa iba't ibang pre-election surveys ang alyansa senatorial candidates,
01:14pero hindi sila nagpapakakampante at puspusan pa rin ang pangangampanya.
01:18Ang frontrunner na si Congressman Erwin Tulfo sa Batangas City, Dumayo.
01:25Bumisita naman sa Sorsogon si Sen. Bong Revilla.
01:29May mga dumayo naman sa Cebu tulad ni na Congresswoman Camille Villar,
01:32dating Sen. Manny Pacquiao, dating Sen. Tito Soto at dating Sen. Panfilo Lacson.
01:38Nagtungo naman sa Pampanga si dating DLG Secretary Benjor Abalos,
01:43habang si Mayor Abby Binay pumisita sa Taguig City.
01:48Naghayag naman ang suporta para sa Legislated Wage Hike si Senate Majority Leader Francis Tolentino.
01:53Mela Lesmoras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.