00:00Ngayong araw ng kagitingan, ginugunita ng buong Pilipinas ang sakripisyo ng mga sundalong nagbuwis na kanilang buhay noong World War II.
00:07Ang detalya sa Balitang Pambansa ni Quenzel Bocobo ng IBC-13.
00:13Isa sa mahalagang araw para sa Philippine Army ay ang Araw ng Kagitingan kung saan ginugunita ng buong Pilipinas
00:20ang sakripisyo ng mga sundalo noong World War II.
00:24Kabilang nariyan ang naging marcha ng ating mga bayani sa Bataan noong April 9, 1942 o mas kilala bilang Bataan Death March.
00:32Ngunit para sa mga sundalong katulad nila Sergent Kamansi at Private First Class Luneza, inspirasyong maituturing ang araw na ito.
00:40Para sa akin, malaking importansya ang pagsislebrate ng Araw ng Kagitingan dahil ito ay pag-alala para sa ating mga bayani nagsisakripisyo sa kanilang buhay.
00:50Para sa ating kalayaan na tayo ay mamuhay ng payapa sa ngayon.
00:54Ito ay nagbibigay inspirasyon sa amin upang gampanan ang aming responsibilidad sa aming bayan.
01:02Simula pa noong Sabado, iba't ibang seremonya na ang inialay ng ating mga tropa.
01:07Para sa mga veterano, kabilang na dito ang sunrise ceremony nitong Sabado, April 5,
01:12kung saan nag-alay ang mga otoridad ng bulaklak sa Tomb of the Unknown Soldier o TUCS.
01:17Ayon naman kay Philippine Army Spokesperson Louie de Maala, kahit na special day ito para sa kanila,
01:23ay nakatutok pa rin ang buong sundolohan sa kanilang security deployment,
01:28lalo na't ongoing pa rin ang mga local checkpoints dahil sa kasagsaga ng election campaigns.
01:33Natilihin ang patuloy na pagkakaroon ng isang maayos at matatag na disiplina
01:40para tayo ay makapagsilbi sa ating bayan, makapagsilbi sa ating mga kababayan.
01:46Isa naman sa mga sikat na puntahan ngayong araw ay ang libingan ng mga bayani.
01:51Bukas ito sa publiko simula alasais ng umaga hanggang alasais ng hapon.
01:57Bilang pagunita sa kabayaniyang ipinamalas ng ating mga kababayan,
02:01itinataas ng Philippine Army sa kalahati ng poste ang bandila ng Pilipinas.
02:06Halfmast ang tawag dito at simbolo ng respeto para sa sakripisyo ng bawat Pilipino.
02:12Mula sa IBC 13, Quenzel Bocobo para sa Balitang Pambansa.