00:00Aarangkada na ngayong araw ang kampanya para sa mga kandidato sa lokal na posisyon sa 2025 National at Local Elections.
00:08Kaya naman ang Commission on Elections, sunod-sunod na rin ang bilin sa mga kandidato sa mga bawal gawin ngayong araw.
00:16Unang-una na dyan ang mga poster na nagkalat sa kalsada, poste at mga iligal na lugar.
00:22Ayon sa Comelec, ngayon pa lang ay dapat na itong baklasin ng mga kandidato dahil hindi mag-aatubili ang Comelec na maglabas ng show-cause order sa mga pasaway na lalabag.
00:34Pero isa pang pinakamahigpit na paalala ng Comelec ngayong araw, bawal na rin makisali ang mga kandidato sa pamimigay ng ayuda.