Rambol ng mga sekyu at asuzena for sale, panoorin! | Resibo
  • 6 months ago
Mahigit 70 security guards sa isang condominium unit sa Maynila, halos dalawang buwan daw na hindi pinasuweldo at ilegal na tinanggal sa trabaho? Kaya ang mga guwardiya, nag-rally sa loob ng condo. Pero nang dumating ang isang grupo ng gwardiya mula sa isa pang security agency, dito na nagsimula ang gulo.

Samantala, nakatanggap ng tip ang non-government organization na Animal Kingdom Foundation tungkol sa mga nagbebenta diumano ng mga aso para karnehin sa Bulacan, Batangas at Bataan.

Panoorin ang buong kuwento sa video! #Resibo