COMELEC Chairman George Garcia sa 2023 Barangay and SK Elections | The Mangahas Interviews
  • 8 months ago
"Sana nga po bago man lang pumasok at mahalal talaga, sana po nauunawaan ng lahat iyong bigat at nakaatang sa inyo pong mga balikat. At sana nga may pormal na training para maipaliwanag. Hindi naman basta-basta ka mag-establish ng Katarungang Pambarangay. Hindi ka naman basta-basta pwedeng pumasok sa Dispute Resolution na tinatawag, kung paano mo babalansehin. Therefore, dapat naiintindihan natin na nakadepende iyong mismong isang kaso na iyan kung hindi marunong iyong mismong nasa barangay. Iyan po ang requirement, may training, may karanasan po dapat sana bago makapanungkulan."

Sa pagsisimula ng election period para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, ano nga ba ang mga pwede at bawal gawin sa kampanya? Ano rin ang mga responsibilidad at benepisyo ng mga mahahalal sa puwesto? Alamin iyan mula mismo kay COMELEC Chairman George Garcia sa #TheMangahasInterviews.
Recommended